GYU40

358 9 0
                                        

Note: This is the last chapter of Giving You Up. Thank you so much for reading Fiorella and Beau's story!

***

GYU40

A few months passed and I managed to get myself back on track after everything that has happened.

Inabala ko ang sarili sa trabaho bago nag file ng leave. I am already on my 8th month, Beau suggested that I get a leave months before to take care of the baby. Kumuha ako ng leave at nanatili sa condo naming dalawa. Saianna would often visit me to see if I'm fine.

"The doctor didn't say anything, right?" Saianna asked worriedly.

I nodded. "Ayos naman daw. My heart is doing well, too."

So far, hindi rin naging problema ang sakit ko. It looks the baby is fighting to survive. I thank God for giving her to me.

Her.

Parang panaginip pa nung marinig kong sabihin ng doctor kung anong gender ng baby. It's a she! Kaya naman todo handa si Beau para sa baby. He had the room fixed dahil ilang buwan nalang at lalabas na ang baby.

She sighed in relief. "Hindi daw ba talaga papayag na magpa transplant si Beau?"

I bit my lip. "Ayaw pa rin... he thinks it will only lessen his days."

"Pero paano 'yon pag bigla umatake sakit niya?"

"Hindi ko na pinilit pa. May tiwala naman ako na alam niya ang ginagawa niya, but sometimes I can't help but to worry..."

Hindi rin naman biro ang sakit ni Beau. Letting it off for a few months, can be detrimental to his health. Lalo pa at nung isang buwan lang ay nahimatay ito sa trabaho. Preston told me not worry, but I can't help it.

Bumukas ang pinto. Beau arrived, food in hand. He went to me and kissed the side of my head.

"I brought food..." pinatong niya ito sa dining table.

"Sakto! Kaya naman pala naisipan kong pumunta dito!" Saianna giggled and stood up para puntahan ang pagkain.

"Savior! Colin! Halika na kayo, kakain na!" Tawag niya sa mga bata. Georgia went here earlier to bring Colin. Namiss na rin daw kasi ako ng bata kaya sa akin muna iniwan.

The kids ran to Saianna. Tumabi naman sa akin si Beau at sinandal ang ulo sa balikat ko. I gently caressed his hair.

"Pagod ka na?" I asked.

He nodded.

"Bakit hindi ka rin magleave? Wag ka masyado magpakapagod!"

Lumapit pa siya sa akin at pinaglaruan ang kamay ko. "My work needs me, Fio. Saka sinalo ko rin ang ilan sayo, kaya kailangan nila ako. The trainees are looking for you, they say congrats for the baby." he said and took a deep breath.

I chuckled. "Buti hindi na nagkakaaberya sa kanila no?"

He shook his head. "Hindi ka lang magaling na mentor kaya nauulit."

"Aba!"

"Huy, lovers! Kain na rin kayo habang mainit pa. Lalo ikaw, Fio! Baka gutom na si baby!" singit ni Saianna.

Napailing ako kay Saianna. Pumunta na kami sa dining. Maya maya ay umalis na rin si Saianna dahil may trabaho pa raw siya. Naiwan si Colin at Savior sa amin ni Beau.

"Do you want to watch a movie, boys?"

Tumango ang dalawang bata.

"Ninong Beau, can I have some ice cream from your fridge?" Savior asked.

Vallezes #1: Giving You UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon