HABANG naglalakad palabas ang mga pulis kasama ang mga biktimang mga tao, papasok naman sa bahay sila Eclipse at Juandro, pero ang hindi inaasahang pangyayare, akala nila'y tapos na, ngunit hindi pa pala.
Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa buong Mansion, huli narin ng marealize nila ang nangyayari dahil sa lakas ng pagsabog ay malayo ang naabot ng katawan nilang lahat, may nagkagutay-gutay na katawan.
Nahihilo si Eclipse, at nasa labas na siya ng Mansion nakaupo at umubo ng dugo dahil sa lakas ng pagkasabog. Mahina man ay dahan-dahan siyang humawak sa punong nasa tabi niya at mabilis na napatago dahil sa ilang bomba pang nangyayari.
Nararamdaman niya ang pagkadurog ng puso niya nang makita ang Mansion ng mga Zeppala na parang matutupok na.
"B-Bakit?" Nanginginig ang mga labi niya. Naririnig niya ang malakas na sigaw, mga humihingi ng saklolo, mga iyak.
"J-Juandro!" Sigaw niya at papatakbo sana sa mainit na Mansion pero may humila sa kanyang braso na napaso, napasigaw siya sa sakit. Napatingin siya sa taong humila sa kanya at ganun nalang ang galit niya nang makitang si Cassandra iyon.
Tumigil ito at nginitian siya ni Cassandra, may dugo pa ito sa ulo na mukhang iyon ang pinukpok niya. Nagsalita ito na ikinangitngit niya sa galit.
"Sabi ko naman sayo, Eclipse. Save them faster, hindi ko naman inakala na bubuhayin mo pa ako, ayan tuloy napindot ko ang binilin ni Luoise sa akin," napapout pa ito at parang inocenteng nakatingin sa kanya pero ramdam niyang halang ang kaluluwa nito.
"You killed them," nanginginig siya at natatakot sa kaharap na babae pero hindi niya pinahalata, mas lalo itong matutuwa kapag nakikita siyang natatakot dito.
Tumawa ito ng malademunyo. Ivanna, Luoise at si Cassandra. Mga demunyó. Naluluha pa ito habang tumatawa sa harapan niya. May mga oras pa siya para tumakbo pero hindi kaya ng katawan niya dahil parang nababalian siya.
Akala niya tapos na. Tahimik na pero, totoo pala ang kasabihan na the calm after the storm.
"Papátáyin kita, papátáyin ko lahat! Dahil kayo ang dahilan kung bakit namatay ang anak ko! Kung nakinig sana kayo kay Ivanna, hindi madadamay ang anak ko! A-Ang anak ko na pinatay niyo!" Parang baliw na sigaw nito at tinignan siya ng masama, may dalang baril si Cassandra at itinutok sa kanya.
"Bakit mo sa amin sinisisi ang pagkamatay ng anak mo, doon ka magalit sa taong pumatay hindi iyong bumibintang ka sa mga taong wala namang alam sa buhay mo at paki-elam sayo," pilit niyang kinakalma ang sarili. Nanginginig na naman ang kamay niya at napapa-atras dahil anytime soon ay alam niyang walang pagdadalawang-isip na ipaputok ni Cassanda ang baril nito sa kanya.
"They're dead Eclipse, I'm really sure of that. Ikaw nalang ang natira sa mga ta sa bahay na iyon, kaya hindi na mahirap sa akin na tapúsin ka, kung hindi mapakay Louise si Juandro, at hindi siya mapasa-akin, mabuti pang patayín siya diba para wala siyang pipiliin," tumawa ito ng parang demúnya.
Hindi makapaniwala si Eclipse sa nabábaliw na babae sa harapan niya. Tinignan niya ito sa mga mata, mugto ang mga mata ni Cassandra.
"Inocente ang anak ko!" Sigaw nito habang umiiyak sa harapan niya at nakatutok ang baril sa kanya. "Sabi nila bubuhayin nila ang anak ko, pero anong ginawa nila! Pagdating ko sa lugar kung saan nandoon ang anak ko ay isang malamig na bangkay ang nadatnan ko! P-Patay na ang anak ko!" Humahagulhol ito habang nakatingin parin sa akin habang ramdam ko ang sakit sa boses nito.
——
Nararamdaman ko ang namumuong luha ko sa mga mata. Ganito pala kasakit makita ang inang námatayan ng anak, pero hindi iyon ang dahilan ng luha niya kundi sa mga taong naging sawi dahil sa ginawa nito.
