BG2*

2.3K 33 2
                                    

Sumunod na araw, busy silang lahat para sa nalalapit na Prom night ng Juniors at Seniors. Pati mga teacher namin, nakiki-busy din kaya hindi muna kami minimeet. Mag isa lang ako ngayon, si Michael kasi ay naatasang magdesenyo sa open space na parte ng school. Doon kasi gaganapin ang prom. Tiwala sila sa taste ni Bakla.

Kinuha ko ang bag ko at naglakad tungo sa canteen para bumili ng pagkain. Ginugutom ako sa mga paikot ikot na istudyante. Dinala ko yun sa may garden, laborito kong tambayan sa lahat. Tahimik kasi dito, makakapag aral ako.

Isa isa kong nilapag ang mga libro na babasahin kong hiniram ko pa sa library kanina. Habang nagbabasa ako ay kumakain din ako. Ganito ako palagi. May mga kumakaway at bumabati sakin na mga kaklase ko.

"Hi Twinnie!" nagangat ako ng tingin sa bumati sakin. Naaninag ko si Alvin at ang iba pang bakada ni Travis.


"Uh. Hello." alinlangan kong bati.


"Nga pala Twinnie. Kukunin ko sana yung number mo para sana sa contact ko para sa pron night." napakunot ang noo ko. "Ako ang date mo remember?"

"Ahh! Oo nga pala. Naku, pasensya na. Kala ko kasi--"

"Kala mo si Travis? Teka nga, may gusto ka ba kay Tavis?" namula yung pisngi ko sa tanong ni Harvey.

"Maganda ka Twinnie. Pero sana wag nalang kay Travis. Gag* yun eh." dagdag ni Alvin.


"Hahaha. Pabayaan nyo nga si Twinnie. Sino kayo para sabihin yan sa kanya." singit din ni Denver.

"Totoo?" agaw ni Jason sa attensyon ko.

"Oo. Pero pwede bang wag nyong ipagkalat?" nakayuko kong sabi.


"Sure. So pwede ko bang makuha ang number mo?" nakangiting banggit ni Jason. Bakit hindi nalang ako sa kanya nagkagusto?

Binanggit ko ang number ko sa kanya. Nagkakatuwaan sina Harvey sa mga nakikita nila. Nagulat nalang ako ng impisin nila ang mga nakakalat na gamit ko at hinila ako.

"T-teka! S-s-san nyo ko d-dal-hin?" takbo lang kami ng takbo.

Hanggang sa makarating kami sa isang park. Eco park. Ang daming bata. Ngting ngiti sakin yung apat.

"Bakit nyo ko dinala dito?" tanong ko tyaka inayos ang salamin ko. Nagulantang nalang ako ng higitin yun ni Jason. "U-uy!"

"Mas maganda pag wala nito." nilagay niya yun sa bag kong nasa balikat ni Harvey. "Halika!"

Sumunod nalang ako sa kanya. Nakaupo sila sa isang upuan na may mesa. At ang daming pagkain ang nandoon.

"Twinnie! Halika, tikman mo ito." napatitig ako sa mga pagkain.


"Malinis ba yan?" tanong ko na nagpalaki ng mga mata nila.

"Street foods to. Malinis naman, at masarap pa." masayang sabi ni Harvey.

"Safe yan. Wag kang mag alala." nakangiting sabi ni Jason sa tabi ko. Kimuha ko yun at pinakatitigan.

Huminga ako ng malalim at kinagatan yun sabay nginuya. Pinapanood nga ako nung apat.

"Masarap?" tanong ni Jason. Tumango ako at kumagat uli doon.

"Anong tawag jan sa mga yan?" tanong ko.

"Street foods." sagot ni Harvey. Ngumuso ako.

"Ang ibig kong sabihin, may kanya kanya ba silang pangalan?"

"Itong itlog na kulay orange ay kwek kwek. Ito naman, kikiam, fishball at squidball. Yun hotdog. Yun chichaw at kalimares." paliwanang ni Denver. "Ngayon ka lang ba nakakain nan?"

"Oo eh. Hindi kasi ako pinapayagan ni Daddy."


"Sus, minsan kelangan mo ding wag sundin ang magulang mo. Hahaha." natawa ako sa sinabi ni Alvin.

"Ilan pala kayong magkakapatid?" tanong ni Jason.

Nagpunas muna ako bago sumagot, "Isang anak lang ako. Wala na ang Mommy ko. Iniwan daw kami ni Daddy."

"Gusto mo bang may kapatid?" napatitig ako kay Denver.

"Oo naman. Masaya daw eh."


"Pwede mo naman kaming ituring na kapatid." masaya nyang sabi. Inakbayan nya ako. "Simula ngayon, ikaw na ang baby bunso namin." maingay din pala si Denver.

Simula ng araw na yun. Naging malapit ako sa kanila. Binibisita nila ako sa bahay, sila pa nga ang nagturo saking mag inom. Masaya pala talaga pag may mga kapatid. Lagi ko na silang kasama kaya tuwang tuwa si Michael dahil napapalapit din daw sya kina Denver.

At dahil nga malapit na ako sa kanila, lagi ding may umaaway sakin. Pero agad nila akong pinagtatanggol at binabahagi sa lahat na baby bunso daw nila ako. Nakakatuwa lang. Dahil kahit papaano ay napapalapit ako kay Travis. Ngumingiti sya sa akin. Mas mapapadali ang lahat para sa akin kasi medyo lumillit ang space sa pagitan namin.

Ang nakakainis lang ay palagi nyang bukang bibig si Georgina kapag nagkekwentuhan na kami. Sinusubukan ko nalang ngumiti kahit nasasaktan ako. At dahil nasasaktan ako, hindi na ito simpleng pagkagusto lamang kundi mahal ko na si Travis.

Tama ba na maramdaman ko to sa kanya? Alam ko naman na may posibilidad na masaktan ako pero sa huli pa yun, alam ko.

Beautiful GoodbyeWhere stories live. Discover now