CHAPTER 37

347 20 1
                                    

CHAPTER 37

Mukhang inaasahan na n'yang mabubuntis ako at wala akong kaalam-alam! Kaya pala ayaw n'yang umalis sa aking tabi.

These days, napapadalas ang pagiging moody ko at palaging may hinahanap akong pagkain na gustong kainin. At mahaba naman ang pasensya ni Zahiro sa akin sa tuwing may pinapagawa ako sa kan'ya na weird na bagay.

"B-Buntis ako?" I still asked him kahit may ideya rin ako na maaaring totoo ang hinala n'ya.

Lumambot naman ang tingin n'ya sa akin. He carried me like a princess, saka n'ya ako nilapag sa kama. Nakaluhod naman s'ya sa aking harapan habang hawak ang aking kamay.

"Baby sweetie, we made love in several times. I am already expecting a baby from you," he kissed my hands as he sweetly said that to me. Napaawang naman ang mga labi ko.

Bigla ko tuloy naalala nakaraang buwan na palagi n'ya akong inaaya na makipagtalik.

Pinaningkitan ko s'ya ng mga mata. "So you planned this, huh? At wala akong kaalam-alam!"

Mariin n'yang halikan ulit ang mga kamay ko. Hindi n'ya inaalis ang tingin sa akin. He looked like a lose puppy.

"Sorry, but I didn't regret anything, baby. I didn't regret that I made love to you," seryoso man n'ya iyon na sinabi ay bahid naman ang kaba sa kan'yang boses dahil sa aking naging reaksyon.

"Gusto ko nang magkaanak tayo at bumuo ng pamilya. May trabaho na ako at kaya ko nang bumuhay ng pamilya. I am not getting younger, sweetie. Hindi naman habang buhay na boyfriend mo lamang ako. I want to be your husband. And I want you to be my wife," dagdag n'ya pa.

Hindi ko inaasahan na sasabihin ito ni Zahiro. Siguro sumagi rin sa isipan ko na gusto kong maging asawa si Zahiro pero ang magkaroon ng anak ay wala pa sa aking isipan.

That's why I am so shocked and confused also kung ano ba talaga ang nararamdaman ko, gayon na we have a baby inside my body.

"Baby, please, say something. Ayaw mo ba ako maging asawa?" bigla lamang naging paos ang boses n'ya.

Halos nakahiga na ang kan'yang ulo sa aking hita habang nagmamakaawa ang kayumanggi n'yang mga mata sa akin.

"Ayaw mo ba sa baby natin? Ayaw mo ba sa amin ni baby?"

"Wala akong sinabing ayaw ko sa 'yo at sa magiging baby natin. Hindi ba p'wedeng nag-iisip ako at na-shock lamang sa sinadya mong buntisin ako na wala man lang akong kaalam-alam?" ani ko sa busangot na mukha. Napakamot na lamang ako sa gilid ng leeg ko.

Naiinis na ako sa pagpapa-cute ni Zahiro sa aking harapan na para bang aso na may ginawang masama at gustong magpalambing. Pareho talaga sila ng aso kong si Amo.

Minsan talaga hindi ko maintindihan ang sarili ko. Tulad na lamang ngayon na umiiyak na ako sa kan'yang harapan na parang hindi nainis sa kan'yang pagmumukha kanina.

"Sorry na, baby. Wala ka nang magagawa kundi tanggapin na may baby na tayo. Magiging mommy ka na at ako naman ay magiging daddy. I will very busy for taking care of our baby," his voice is getting deeper by deeper.

Tinaas n'ya ang damit ko at padampi-damping hinalikan ang aking tiyan na hindi pa halata ang baby bumps. Mas lalo lamang napaluha ako sa kan'yang ginagawa.

While I'm busy thinking about how to escape from the painful past, s'ya naman ay nag-iisip kung ano ang magiging buhay namin sa hinaharap kasama ang anak namin.

"Mapupuyat na siguro ako sa kakabantay sa 'yo, lalo na kung lalabas na si baby. I will invest my time with you and to our baby. My family will always be my priority," he dreamily said in a soft voice, umangat ang kan'yang tingin sa akin. "Gusto mo ba iyon, baby? Gusto ko iyon gawin, sweetie. I think I couldn't wait to see our children, like we are finally to be called a family."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Deadly Charm (Caddel Brothers Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon