End Of Story

2.2K 75 20
                                    

Iwas Asa, Iwas Nga-Nga.

Yan lagi ang sinasabi ko sa sarili ko tuwing nakikita ko si Dyma at yung mga babae na nakikipagpatayan na sa isa't isa, mapalapit lang sa kanya.

Si Dylan Marco Dirham. Gwapo, Mayaman at higit sa lahat, Mabait.

A definition of a perfect guy isn't it?

Yeah. Perfect Guy. Kaya sino ba naman ako para umasa na mapansin pa nya?

A Perfect Guy falling for a Nobody? Cool story bro! But it just happens in fairytales. End of Story.

"Danae! Si Dyma mo o dumadating! Ang gwapo nya talaga grabe!"

Nagising ako sa pagde-day dream ko ng sumigaw ang best friend kong si Cheska.

"Ano ba Cheska! Nakikita ko! May mata ko, FYI" iritang sigaw ko sa kanya.

"Eto naman napaka init ng ulo! Meron ka ba?"

Gaga talaga neto kahit kailan.

Inirapan ko lang sya at pinagpatuloy ang pagbabasa ko.

"Ano ba Danae? Wala ka bang gagawin? Tutunganga ka lang dyan at aantaying maagaw si Dyma ng iba?"

Napatigil ako sa pagbabasa dahil sa narinig ko. Gagawin ko? Para san pa? Hindi rin naman ako karapat dapat sa kanya.

"Wala" sabi ko nalang

"Anong wala? Diba mahal mo sya? Bakit wala kang ginagawa?" Sabi nya sakin

Tumingin ako sa kanya "Para san pa? Hindi nalang ako aasa na mapansin nya. Iwas asa, Iwas nga-nga diba?"

"Ayan ka nanaman sa iwas asa, iwas nga-nga mong quote! So ganun? Hindi ka nga aasa pero pag nagka girlfriend si Dyma, iwas nga-nga ka pa rin ba ha Danae?"

Ouch. Tinamaan ako dun.

Ano nga ba ang gagawin ko kung sakaling makahanap ng girlfriend si Dyma? Kakayanin ko ba? Mahal ko nga diba.

"O di ka ngayon makapagsalita Danae. Pero wag kang mag-alala, tutulungan kita best friend"

Napaangat naman ang tingin ko sa kanya sa sinabi nya sakin.

"Pano?" tanong ko

Ngumiti naman sya at hinatak ako papunta sa kung saan.

"U-uy teka, san ba tayo pupunta?"

"Basta" sagot nya at nagpahatak nalang ako kung san nya ko dadalin.

----------------------------------------------------

Nakarating kami sa library at naupo kami malapit sa table nila...Dyma?

Kinalabit ko naman kagad si Cheska "uy bakit tayo nandito? At malapit pa kila Dyma ha?"

"Ano ka ba best friend, oras na 'to para DumaMoves ka naman dyan! Napag iiwanan ka friend" pagkasabi nya nun, tinuro nya yung mga babaeng makalapit kay Dyma e parang mga linta.

"O kitams? Dumadamoves na sila, nakatanga ka pa rin dyan"

"E anong gagawin ko?" tanong ko

"Kindatan mo si Dyma" biglang sabi nito

"AN-----" di ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang tinakpan ni Cheska yung bibig ko.

Teka ano daw? Kindatan? Bangag ba sya?!

"Ano bang sinasabi mo dyan? Ano ko sira? Ayoko nga!"

"Sige na Danae! May nabasa kasi ako na 'As soon as a wink is added, it's definitely flirting' kaya go na!"

End Of Story Where stories live. Discover now