Chapter 12

33.3K 461 35
                                    

"May problema ka nanaman ba???"Tanong ni Tan sakin

"Ha?? Wala Naman"Sagot Ko

"Lagi ka Kasing Wala Sa Sarili Mo..tssk" sabi niya

"May Problema Lang Ako"sagot ko

Tumigil siya kaya napatigil din ako

"May Problema ka nga Alam mo ba Kung anong sagot mo sa sinabi ko"sabi niya

"ha?" naguguluhan naman ako

"sabi ko sayo kanina kung may problema ka ba,sagot mo wala naman sabi ko lagi ka kasing nakatulala eh sagot mo naman may Problema ka Ano ba talaga???!!"
Napakamot siya habang sinasabi niya iyon

Natawa na lang ako sa kanya nasabi ko pala yun...XD

"Ayan Ngumiti ka na din ..Mas maganda ka pag ngumingiti"namula naman ang magkabilang pisngi ko sa tinuran niya

"Pag Usapan Natin Yang Problema Mo Sa Park Doon Kasi Ako Pumupunta Pag May Problema O Kaya Naman Masama Ang Loob ko" Sabi niya sabay akbay sa akin

"madaldal at kwela ka pala bakit di ko nakikita yung side mong ganyan Pagnakikita kita na kasama si Kuya?"tanong ko habang naglalakad kami

Nagkibit balikat lang siya...

Ang weird talaga ng taong toh

Nakarating na kami ng Park may Mga Batang naglalaro
Nakakatuwa sila

Nakakagaan nga ng loob pumunta sa park..
Umupo kami sa Swing doon

"So..Magkwento ka na"Sabi ni Tan

"ano namang ikwekwento ko sayo?" Lumingon ako sa gawi niya

"Edi yang Problema mo"

Tumahik lang ako di ko pa kayang Magkwento sa kanya..


Lumipas ang Minutong walang nagsasalita

"ok lang Kung Hindi ka pa palagay sa akin basta lagi mong isipin na may mga taong nakapaligid sa iyo na Nakapaligid lang Pero May mga taong Nakapaligid sayo Na Nasa Paligid mo talaga"Mahabang Pahayag nito

"Ha??"naguluhan ako sa sinabi niya "Totoo nga yung sinasabi nila ang gulo mong kausap"

Nagkatawanan lang kami

Pagkatapos naming magusap Ay Bumalik Narin kami ng school pero hindi para Pumasok kundi maglibang

Pumunta kami ng Library Paborito din pala niyang magbasa ng Libro...

May nakita Akong Libro sa Taas Kaya lang Di ko maabot kaya kumuha ako Ng upuan Para Matuntungan ...konti na lang Maaabot ko na tumingkayad pa Ako pero Hindi ko inaasahang Gagalaw yung upuan kaya na Out of balance ako....

Blue POV

"Langya naman oh" alam ko Na may gusto si Tan Sa White KO nakikita ko sa bawat titig nito sa kanya pero Hindi ako papayag Na Makuha niya Ito dahil sa akin lang si White ...Sa akin lang

Sinundan ko sila Kahit Saan sila magpunta At ngayon naman ay sa Library Takte Nauuhaw na ako Bibili Muna Ako Ng Tubig .Pag kabili ko ng Tubig ay Bumalik na ako sa Library Pero wala na sila Sa Upuan nila kanina.Kaya Pumunta ako sa mga Shelf Baka may Kinuha lang silang Libro

Pero Laking gulat Ko ng Isa sa mga Shelf na nasilip ko ay Nakita ko si White at Tan na Magkapatong...

Agad kong sinugod si Tan Kinuwelyuhan At sinapak ko

My Pervert KUYA [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon