Chapter 39
Mikha's P.O.V
I sat quietly while playing with my ballpoint pen in my hand.
I want to surprise Aiah and I have already thought of a plan, I just hope it works out. Para makabawi ako sa kanya kahit na siya yung nananakit sakin tapos ako yung bumabawi. Tsss
Plan ko na hindi siya pansinin hanggang sa dumating yung birthday niya, malapit na naman eh 2 days nalang so hangga't nag hihintay ako mag stay nalang muna ko sa villa na nirentahan ko. I'm sure hahanapin ako nun. Natawa ako sa naisip ko at mas lalong na-excite.
Habang nag muni-muni ako biglang pumasok si Jhoanna na nakangiti sabay upo sa upuan sa harapan ko.
"Hoy hindi ka pa ba uuwi? Anong oras na" tanong niya sakin.
"Bakit sakin ka nag tatanong kung anong oras na" masungit na sabi ko sa kanya.
She rolled her eyes. "Tanga, I mean hindi ka pa ba uuwi? 6:00 pm na"
"Uuwi na ko" sagot ko sa kanya at tumayo tsaka inayos yung mga gamit ko.
"Sunduin mo daw si Aiah, hindi mo daw kasi binabasa yung message niya" aniya pa sakin.
"Hindi ko siya masusundo" matipid na sagot ko.
She furrowed her brow. "At bakit?"
"May pupuntahan ako"
"Mikha, wag kang mag kakamaling gumanti lang kay Aiah" seryosong sabi pa niya.
"Bobo. May surprised ako sa kanya syempre kailangan maging cold muna ko sa kanya hanggang sa mag birthday siya" nakasimangot na sabi ko. Napangiti naman siya.
"Ohhh mukhang maganda yang iniisip mo"
"I'm really good at thinking Jhoanna listen sabihin mo kay Aiah Hindi ko siya masusundo, ikaw na mag palusot.. pupuntahan ko yung Villa na nirent ko" sabi ko pa sa kanya.
"Mga ilang araw ka dun?" tanong pa niya sakin.
"Mga 2 days para maihanda ko lahat"
"Sige sige.." natatawang sabi pa niya. "Kapag kinailangan mo ng tulong mag sabi ka lang" sabi pa nya Saba tapik sa balikat ko.
"Of course, una na ko" paalam ko pa sa kanya. Tumango siya sakin bago ako lumabas. Pinapaikot ko sa daliri ko yung car keys ko hanggang sa makarating ako sa may parking lot. Sumakay ako sa kotse at binuhay yung makina bago ko inapakan yung gas acceleration, napatingin ako sa maliit na box na nasa dashboard ng kotse ko. It's my gift for her sana lang magustuhan niya.
After 4 hours ay nakarating na din ako.. Actually kay Chie to'ng Villa na to, buti pumayag siyang rentahan ko para sa gagawin ko'ng surprised kay Aiah.. Of course ganyan ko siya kamahal. Napangiti ako ng malala siya, she’s so pretty especially when she smiles.
Dumating na din pala yung pinadeliver ko'ng materials. Inuna ko munang linisin yung buong paligid alam ko'ng matatagalan yung pag-lilinis ko dahil mag-isa lang ako pero mas prepare ko mag-isa dahil masusunod ko yung gusto ko'ng set-up.
10:00 pm ng maka-received ako ng message from Aiah tinatanong niya ko kung bakit hindi ko siya sinundo. Nag desisyon akong wag siyang replyan para mag overthink siya. Inoff ko yung phone ko para hindi niya ko makontak at mas mapadali ang pag aayos ko ng Villa.
Sana lang magustuhan niya yung birthday gift ko sa kanya.
-----
Aiah's P.O.V
2 days...
Nakatulalang nakatitig ako sa phone ko, hindi siya nag reply and naka off pa yung phone niya. Kumirot yung puso ko ng maalala yung sinabi ni Jhoanna.