Chapter 2

7 0 0
                                    

CHIARA'S POV

Nasa classroom na kami ni Greg at kanina pa siya bumabanat nang nakakakilig na mga linya. Hay naku Greg! Kung alam mo lang na sobra na akong kinikilig pero please wag namang ganiyan, lalo akong umaasa na mamahalin mo rin ako. Alam ko namang best friend lang ang tingin mo sa akin at alam ko naman na si Ara yung gusto mo.


"Chiara." tinawag ako ni Gwen.


Ang bilis naman nila ni Peter kanina lang nag de-date ngayon nasa room na.


"Yes Gwen?"

"Crush mo si Greg ano?"

"Hindi noh." sige Chiara, tigas ka pa sa pagtanggi.

"Gusto mo sya?"

"Hindi rin. Ano bang tanong iyan Gwen. Best Friends lang kami ni Greg. Hindi ba simula pagkabata magkaibigan na kami."

"Best Friends daw." ito namang si Peter nanganchaw pa. Napagtulungan pa ako ng love birds.

"Best friends lang talaga kami nun Pwede namang friends lang ang babae at lalaki ah."

"Bakit? Hindi ba pwede na mahal ninyo ang isa't isa kahit magkaibigan kayo?"

"Saka mas bagay kayo kesa sa mga presents ninyo." dagdag pa ni Peter.

"Tama na nga iyan, mamaya mapakinggan pa kayo ni Greg magalit pa 'yun."

"Magagalit. Ang sabihin mo kikiligin." sabi ni Peter.

"Luh bakit naman?"

"Halata naman sa kanya na gusto ka rin niya."

"Talaga Be?" kahit si Gwen nagulat.

"That's nonsense." sagot ko.

"Syempre, lalaki ako. Lalaki kami, alam ko na iyang mga ninja moves na iyan."

"Sus naman Peter dumali ka nanaman. Walang gusto si Greg sa akin okay?"

"E ikaw?" tanong ni Gwen.

"Wala rin. Best Friends lang kami. Tantanan ninyo na ako love birds. Wala nanaman ba kayong mapag-tripan?

"Okay sabi mo eh." sabay pa silang dalawa at tumawa sa isa't isa. Pati utak nagkakahawaan na silang dalawa.


Isang buong araw nanaman ang nagdaan at mag-kasama lang kami ni Greg. May meeting sila Greg ngayon, si Kuya Aldwin naman busy sa school works kaya heto ako hinihintay si Leo sa may back gate. Kahit ayoko sa back gate hinintay ko na rin si Leo kasi sabi niya dito raw kami magkita. Ang dami kasi palaging nag-yoyosi dito. Mag-aamoy usok ang uniform ko.


"Hi Babe." bati ni Leo sa akin.

"Hi." bati ko sa kaniya at ngumiti kahit medyo na-iilang ako sa pag-akbay niya.

"Saan tayo ngayon?" tanong niya sa akin.

"Uuwi na."

"Uuwi na agad tayo? Ano ba naman yan." reklamo niya.

"E alam mo namang hindi ako mahilig gumala di ba? Saka marami pa akong gagawin ikaw din mag-aral na malapit na ang periodical exams natin."

"Easy lang 'yan Babe ano ba."

"Sorry Leo, marami pa talaga akong gagawin." hinihila niya ako para sumama sa kanila sa inuman.


Gusto ni Leo mag-inom ngayon at a broad day light sa bahay nung isa niyang barkada and when asked sila lang magbabarkada. Naka-sense agad ako nang uncomfortableness kaya... NO.


The Friendzone ParadoxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon