Chapter 9

257 36 96
                                    

Ilagay ang dahon ng kangkong.


Di ko maikakailang na-turn on talaga ako sa paraan ng pagkakasabi niya. Dapat pala kasama 'yon sa standards ko: palautos na boses. Nagpa-panic ang hormones ko.

"Ini-English mo na naman ako," biro ko.

Napairap si Kian at nagbuntonghininga. "Di na ako bata."

Aba, Tinagalog nga.

Kumakabog ang puso ko nang bigla niyang sinabi 'yon. Impulse ba ang tawag kung biglang 'matic na umangat ang mga kamay ko? Na parang gusto kong iikot ang mga braso sa leeg niya?

Sa utak ko, napa-sorry na lang ako sa mga lalaking nagpakita ng motibo pero di ko na agad binigyan ng pagkakataon dahil di sila nakapasa sa standards ko kuno. At heto ako, kasama ang isang taong bagsak agad sa level 1 pero sa kanya rin pala ako babagsak. All that talk tungkol sa standards kanina, pero nagpapakahipokrita lang pala ako.

"What do you want to do?" tanong niya.

"W-wala." Ibabagsak ko na sana ang mga braso kong nanghihina, pero bigla siyang napahawak sa mga kamay ko.

"You can wrap it around my neck."

"Sakalin kita?"

Ngumiti si Kian. "Puwede."

Nanlaki ang mga mata ko. Ito pala ang sinasabi nilang tanggal-angas. Dahan-dahan kong inikot ang mga braso ko sa leeg niya. "A-ang init pala . . . ng ano, ng . . . human body," nauutal kong sabi. Gusto kong mag-joke, pero nablanko ang utak ko.

"What do you want me to do next?"

"E-ewan. Ewan ko . . . F-first time ko. Pa'no ko malalaman kung ano'ng gusto kong mangyari?"

Akala ko, matu-turn off siya. Nagulat ako sa susunod niyang tanong. "Do you want me to kiss your neck?"

Napalunok ako. "Y-yes?"

"Are you sure?" tanong niya. "Di ko gagawin kung hindi mo gusto."

Napakagat ako sa labi saka huminga nang malalim at tumango.

Inilapit niya ang katawan ko sa katawan niya saka ako hinalikan sa leeg nang dahan-dahan. Mga tunog pa lang ng halik niya, tumataas na ang balahibo ko. Dito ko napatunayan 'yung sinasabi nilang sixty percent ang tubig sa katawan ng tao dahil kada halik niya, parang akong binabaha.

Di ko tuloy mapigilang maglabas ng mga tunog na di ko kailanman aakalaing sa bibig ko mismo manggagaling. Para akong nanghihinang pusa. Mahina lang, siyempre, kasi baka marinig ng mga tao sa boarding house. Napaisip ako kung gusto niya ba 'yon kasi gustong-gusto ko 'yung ginagawa niya.

Ang init pati ng kamay niyang nakahawak sa bewang ko. Unti-unting tumataas, pero binababa rin niya kapag papunta na sa dibdib ko. Naiinis ako kasi nakakabitin. Gusto ko na ngang hilahin ang kamay niya para tuluyan na niyang hawakan, pero nahihiya rin akong gawin. Itanong ko rin ba tulad ng ginagawa niya? O okay lang bang ako na mismo ang gumawa? Di ba siya magugulat?

Para ding may bote akong nararamdaman sa hita. Iyon na ba 'yon? Makakakita na ba ako ngayong gabi? Mahabaging langit, kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana imbes na nag-doom scroll ako ng mga crime documentaries ay nag-aral na lang ako ng male anatomy. Malay ko ba na dito kami mapupunta!

"How do you feel about this?" bigla niyang tanong.

Pinigilan kong mag-joke tungkol sa kung paano niya ako Inglesin dahil alam kong masisira ang moment. Ang sinabi ko na lang . . . "Masarap. Gusto ko."

Ginisang Tokwa at Kangkong (Paboritong Ulam Series Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon