Chapter 11: I'm Meant To A Wolf

3.6K 82 1
                                    

✶ I'm Meant To A Wolf ✶

♚♚

ELEVEN

♚♚

Ang dami palang typo yung last chapter. HAHA! In'edit ko ulit.

Hope you like this chapter! Happy Reading. Mua :* 

"3rd Pov" 

Iba ang saya na kanyang nararamdaman sa tuwing pinagmamasdan ang babaeng tahimik na natutulog sa kama nito. Kahit ilang oras niyang gawin ang panunuod sa babaeng mahimbing na natutulog hindi pa rin ito nagsasawa maslalo pang ikinatutuwa ng kanyang puso..

Nakasanayan niya na 'tong gawin sa tuwing gigising siya sa umaga diretso agad sa kwarto ni Odessa. Halos naging routine niya na. Nakapikit pa lamang ang dalawang mata pero ang itinatakbo na ng kanyang utak ay ang itsura ng babaeng walang sawang nagpapatibok sa kanyang puso.

Hinaplos niya ang itim nitong buhok papunta sa kanyang ilong. Hindi pa rin siya makapaniwalang kasama niya na ito. Nahahawakan at nalalapitan. Ang tagal niyang hinintay na mangyari ito. Wala sa sariling napangiti siya.

"Matatanggap mo rin ako Odessa. At hihintayin ko na mahalin mo rin ako katulad ng pagmamahal ko sayo" bulong niya at inilapit ang mukha upang halikan ang noo.

Gumalaw ito sa kinahihigaan niya dahil sa ginawa ni Zach. Naalimpungatan siya at napamulat ng mata. Ngunit si Zach ay ganun pa rin ang pwesto nakaupo sa uluhan niya at hinahaplos ang buhok.

"Ba't nandito ka!" singhal niya ng makita ang presensya ni Zach. Napaatras siya ng kanyang ulo na mapagtantong napakalapit niya.. Natigil si Zach sa ginagawa at ngumiti.

"Hi" bati nito at inayos ang pagkakaupo.

Isa-isang bumabalik sa utak ni Odessa ang mga nangyari kagabi. Yung mga nakita niya. Halos hindi siya pinatulog nito sa kakaisip. At tinanghali na ng gising.

"Yung kagabi ba? Hindi dugo ang nahawakan mo sa likod ko. Pintura lang yun" sambit nito ng ilang minutong hindi kumibo si Odessa. Nakita nito ang itim sa ilalim ng kanyang mata. Dahil sa puyat

Nakaramdam ng kirot sa puso si Zach dahil sa sinabi. Sa ngayon hindi niya kayang sabihin ang katotohanan kay Odessa dahil alam niyang hindi pa ito nakakalimot sa nangyari sa kanyang pamilya. Hindi pa nito lubos na tanggap maslalo't hindi pa malinaw ang pag iwan kay Odessa. Masyado pang magulo ang  utak nito at ayaw niyang madagdagan pa iyon. Sa ngayon dapat niya munang ikasaya ang nangyayari sa kanila.

"Paano nangyari yun? Halatang dugo" tanong niya na hindi pa rin kumbinsido sa paliwang ni Zach.

"Tumayo ka na dyan. Lalabas tayo"

"Pero..." hindi siya pinatapos sa kanyang sasabihin dahil tumalikod na ito at lumabas na sa kwarto.

Humugot siya ng malalim na hininga bago tumayo sa kama.

"Bakit ba umabot ako sa ganung imagination. Porket may red lang na nasa likod niya dugo agad? Siguro pintura nga lang yun"

Biglang bumukas ang pinto at ipinakita niya si Zach na nakangiti abot hanggang mata.

"Hindi pala ako pwede ngayon dahil may pasok ako mamaya" bigla niyang sambit ng magsasalita sana si Zach

"Kelan pa nagkaroon ng klase tuwing linggo?" patay malisya nitong tanong

Kumunot ang noo niya sa tanong ni Zach.  Dali dali siyang pumunta sa pinaglalagyan ng kanyang cellphone. Nagtago siya sa hiya nung makitang tama ito. Dahil sa dami ng iniisip hindi na niya namamalayan kung anong araw ang lumilipas.

I'm Meant To A Wolf (Under Editing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora