CHAPTER 3: Advices

558 13 3
                                    

CHAPTER 3: Advices

(N/P: Sana’y Ako Nalang – Six Part Invention)

JIJEY’S POV

Kumuha ako ng tropicana. At pumunta ako sa may counter malapit sa may swimming pool. Naliligo kasi sila. Ako hindi. Ayoko. I just enjoy watching my friends. I missed them so much. That Trista is nice. Namumukhaan ko nga siya. Di ko lang alam kung saan at kailan.

‘’ Uhm… kamusta ka? Kamusta ang education sa Korea?’’ napatingin ako sa tumabi sa akin.

‘’Ayos naman. Successful ang education ko. Summa cum laude ng Accountancy. Ikaw?‘’ cold kong sabi.

‘’ Naka-graduate din. Naka-survive. It’s… It’s hard lalo na kapag hindi ka kompleto.’’ Sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya.

‘’ Hindi kompleto? Ikaw? Sa nakikita ko, may kamay ka, braso, hita, binti, paa, ulo, katawan, buhok, dalawang mata, isang ilong, isang bibig, sampung daliri sa kamay at sampu sa paa. Vincent Chua, kompleto ka pa. Unless, nagpasabog ka sa bagong taong at may kulang kang hindi ko nakikita.’’ Sabi ko. Lumapit yung mukha niya sa mukha ko.

‘’ Don’t you remember? I gave my heart to you. You did not return it. Kaya kulang.’’ Sabi niya sabay ngiti. Really? Does he really think that his charms will work on me? Tsss.

‘’ Talaga? Hindi ko ba naibalik? Sige ibabalik ko. Kawawa ka naman eh.’’ Sabi ko. Umakto akong dumukot sa bulsa ko. At isinampal ko lang sa kanya yung sinasabi niyanag puso. Actually, hangin lang yung sinampal ko sa kanya. At hindi naman malakas yung pagkakasampal ko. More like pinush ko lang ang face niya pa-sideward.

‘’ Nice try, Vincent. Pero those charms of yours will not work on me anymore.’’ Sabi ko.

‘’ Who says I’m showing you my charms, Jijey?’’ sabi niya.

‘’ I know you, Chua. And don’t address me Jijey. It’s JJ. She’s not me anymore.’’ Sabi ko. Lumapit ulit ang mukha niya sa mukha ko.

‘’ Well, can you tell her I miss her?’’ tanong niya. Tss… he’s clearly using his charms on me.

‘’ Vincent, nandito ang girlfriend mo. At nandito ang boyfriend ko. What you’re doing is inappropriate.’’ Sabi ko sabay punta kung saan may mga barbeque which is malayo ng konti sa pool.

‘’ Jijey… I still love you. And I know, you still love me too.’’ Sabi niya pagkahatak sa kamay ko.

‘’ Ang kapal mo din noh. Hindi na kita mahal. It’s been 4 years. Nakamove on na ako. And… mahal mo pa ako?! Pero may girlfriend ka!! Ano yun? Ginagawa mo kay Trista yung ginawa mo sa akin?!’’ sabi ko.

‘’ Nung tayo, mahal na mahal kita! Wala na sa akin nun si Elouise. Ikaw na ang mahal ko nun hanggang ngayon. Hindi nagbago yun.’’ Sabi niya. Gago talaga nito oh.

‘’ Then, you’re using Trista. Ano siya? Rebound? Ang gago mo parin noh! Don’t use her, Vincent! Love her! Bwisit!’’ sabi ko sabay kuha ng barbeque at pumunta sa mga hut malapit sa pool. Kaimbyerna.

TRISTA’S POV

Nakita ko kung paano sila mag-usap. Yung mga tingin na yun ni Vincent. Hindi pa niya yun naibibigay sa akin. Yung ngiti niyang yun. Ngayon ko lang ulit nakita after 4 years. Kahit kasi sa tv halata na pinipilit niya yung mga ngiti niya. At ngayon lang ulit siya madalas magsalita. Tulala pa din naman siya ngayong araw pero nakatingin siya kay Jijey. Tinititigan niya ito habang sweet na sweet sina Rubin at Jijey. Minsan, mapapangiti nalang siya pag natawa o kaya nangiti si Jijey.

Am I Still Inlove with a SUPERSTAR?? (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon