Chapter 6

932 22 3
                                    

Kath's POV

"Pinsan..." sabi ko sa sarili ko. 

Nandito ako ngayon sa room ko, nagre-research. Malay mo naman malaman ko kung sino yung pinsan nung tatlo..

"Haay! This is useless! Walang information about their family!"

"Eh kung magtanong ka na lang kaya sa mga students sa school niyo. Baka may alam sila tungkol sa mga pinsan nung tatlong yun" -mama

"Ma?! Bakit ka nandito!?" nakakagulat kasi siya, eh. Bigla na lang pumasok sa kwarto ko

"Masama bang puntahan ang room ng baby ko? Nag-dala nga ako ng snacks for you, eh. Parang ayaw mo naman 'ata. Labas na nga ako" -mama

"Ito namang mama ko.. Akin na nga yan. Kakainin ko yan mamaya" kinuha ko yung tray na hawak niya

"Pero anak, tulad ng sinabi ko, magtanong ka kaya sa ibang students sa school niyo. Baka nga kasi may alam sila" -mama

"Ma, kung ako nga na nangulit lang sa kanila, walang alam.. sila pa kaya.."

"Ok.. Sabi mo, eh. Anak, tandaan mo, ah.. wag mong pababayaan yang studies mo" -mama

"Of course! Yakang-yaka kong pagsabayin ang mga ginagawa ko"

"Sige na nga. O, alis na ako, ah. Kung kailangan mo ng tulong ko nandun lang ako sa room namin ng papa mo" -mama

"Yes, ma!"

Ang swerte ko talaga sa mama ko. Ituloy ko na nga 'tong pagre-research ko...

*next day*

"Ano girl? May nalaman ka tungkol sa mga pinsan nila?" -Kiray

"Wala, eh" sagot ko sa kanya. Totoo naman, eh. Wala pa akong nalalaman tungkol sa mga pinsan nung tatlo

"Eh, ano bang sinabi nila tungkol sa mga pinsan nila?" -Julia

"Uhm.. makukulit raw sabi ni Seth"

"Tapos? Yun lang?" -Ella

"Sabi naman ni Lester, kahit nga raw na kamag-anak nila sila, hate pa rin nila kasi nga --"

"Babae sila?" -Kiray/Julia/Ella. Bakit ba laging sabay 'tong tatlo?

"Yun na nga. Pero, sa tingin niyo ba, may alam ang ibang mga students dito tungkol sa mga pinsan nila?"

"Wala siguro..." -Kiray/Julia/Ella. Bakit ba talaga lagi silang sabay?

"Eh, sa tingin niyo ba, nag-aaral yung mga pinsan nila dito?"

"Posible!" -Kiray/Julia/Ella

"Bakit ba kayo sabay kung sumagot?" curious lang ako

"Ewan namin..." -Kiray/Julia/Ella. Haay, sana hindi ko na lang tinanong

"Sige, guys. Alis muna ako. Try ko lang ulit mangulit. Bye!"

"Bye!" sabay nilang sabi. Galing ba sa iisang choir ang tatlong yun??

Pero, sino kaya ang makakasalubong ko ngayon? Sana isa kina Seth, Katsumi, at Lester. Gusto ko kasi malaman kung sino ang mga pinsan nila...

Opening Five Closed HeartsWhere stories live. Discover now