Silver 23

1.2K 81 42
                                    

Under The Silver Light 23

                                  ⋆⭒˚。⋆☾⋆⭒˚。⋆



Kinabukasan magaan ang loob kong gumising. Natapos ko na nga yata lahat ng playlist ni Ishan sa Spotify habang ginagawa lahat ng morning routine ko.

Hindi ko na pinalampas lahat. Lahat ng social media account niya inalam ko. Kulang na lang pati youtube account na gamit niya ay alamin ko pa. Kaya noong nalaman ko ang account niya sa Spotify, iyon na rin ang pinakinggan ko simula pagka gising pa lang.

Cedrix Yu:

Goodmorning, Baobei!

Ishan Buenavista:

Tigilan mo ako, Cedrix.

Cedrix Yu:

Ang sungit? Baka gusto 'yung translation? Sige, mabilis akong kausap. Good morning, baby.

Ishan Buenavista:

Ib-block kita tingnan mo.

Cedrix Yu:

Huwag, hindi ko kaya.

Ishan Buenavista:

Napaka OA.



Sa totoo lang, wala naman talagang nangyari kagabi. Hindi niya sinabi kung gusto niya rin ba ako o hindi. Wala rin siyang nabanggit kung pumapayag ba siyang ligawan ko o hindi. Wala rin naman kasi akong sinabi.

Bukod doon, ang tanging nagawa niya lang pagkatapos ng huling sinabi ko ay ang pag tango. Hinampas niya pa nga ako bago ako talikuran at bitbitin si Coco.

Gaya rin noong isang gabi, ako ang nag dala ng gamit niya at inihatid sila sa unit niya. Bukod doon, wala naman nang nangyari. Kagaya ng dati pa rin ang pagsusungit niya sa akin.

Hindi niya man sinabi kung may pag-asa ako o wala, sapat na iyong hindi nagbago ang pakiki tungo niya sa akin. Gusto ko lang naman maging komportable siya sa akin at tanggap niya ang nararamdaman ko.

Sabi ko nga, kung kailangang dumaan sa proseso, dadaan ako—dadaan kami. Sapat na sa akin sa ngayon na hindi ko na kailangang mag tago dahil malaya na ako sa nararamdaman ko.

"Ang ganda mo."

Mahina niyang pinalo ang noo ko gamit ang ballpen na hawak niya. "Paalala lang, huh? Hindi ako nakikipag landian sa'yo, Cedrix Yu."

"Alam ko 'yon, Ishan Yu." Sinamaan niya na ako ng tingin dahil doon at kinurot nang pinong-pino ang braso. "Aray ko!"

"Dapat lang 'yan sa mga malalanding kagaya mo. Nag re-review tayo,'di ba?"

Hinihimas-himas ko ang braso ko na kinurot niya. Pulang-pula na iyon. Buti pa si Paulo sa leeg ang pula, sa akin literal na pula dahil sa kurot sa braso e. Napaka unfair talaga.

Ano, universe? Si Paulo lang ang may karapatang makagat ng lamok? Si Cadence nga mayroon din kahapon, e. Ano 'to, sila lang ang pwedeng masipsip? Hindi ba ako kasipsip-sipsip?

Si Jacob din umuusad na ang panliligaw, parang sila na nga e. Tapos ako ano? Tamang review lang para sa quiz bee niya bukas. Hays.

Alas onse na kami natapos ni Ishan sa pag re-review. Habang pababa kami sa unit namin ay inirereklamo ko sakaniya ang bakat na bakat sa braso kong kurot niya.

Sa sobrang pino no'n ay nag vi-violet na. Napaka sakit. Ano 'to, I'm carrying your love with me? Sa lahat ng trend sa Tiktok, doon pa ako nasali.

"Tingnan mo, Ishan! Nag violet na ang kurot mo sa'kin. Ganiyan ka ba magmahal? Ang wild mo!" parang batang reklamo ko habang inilalapit sa mukha niya ang braso ko.

Under The Silver LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon