Sa wakas nandito na kami sa laguna pagkatapos ko sa highschool years sa masbate, hindi pa nga ako noon nakaalis ay umiiyak na si lola sa aking pag-alis papuntang laguna. Hindi ko masisisi ang kalungkutan na bumalot sa nararamdaman ni lola, lumaki ako sa kanya simula ng bata ako at ngayong kolehiyo na ako ay nabanggit sa akin ni ina na dito ako sa laguna mag-aral. Dito kasi nakatira ang panganay kong kapatid na babae, simple lang ang bahay nang makapasok ako sa pintuan. Bumungad nga sakin ang mga litrato noong maliit siya, marami ding nakasabit na flower vase since mahilig siya sa bulaklak.Noong nasa probinsya nga ako ay mahilig akong mamitas ng mga bulaklak sa hardin ni lola, madalas pa nga akong mapagalitan lalo na kapag yung magandang rosas niya ang tinanggal ko at tinakbo palayo. Paborito ko ang bulaklak na yon dahil tulad ng rosas ay hilig ko din ang tila dugong kulay na pula. Napangiti ako dahil napansin ko si ate na naglalakad at pinapasok ang mga dala kong bagahe.
"Simula ngayon dito kana mag-aaral pagbutihin mo dahil pinag-aaral kita." Aniya sabay lagay ng bagahe sa sofa, uminom muna siya ng tubig bago niya tinuro sakin ang aking magiging kwarto "Ito ang kwarto mo at kung maaari hu'wag masyadong mag-ingay dahil magkatabi lang tayo ng silid, ayoko ng magulo at maingay." Patuloy niya at tinuro naman sakin ang kusina, marami siyang sinabi at tinuro sakin kung ano ang gagawin ko tuwing walang pasok.
Minsan daw ay overnight siya sa trabaho niya kaya walang ibang tao dito kundi ako, minsan naman raw ay umaga na siya umaalis ng bahay kaya kung maaga daw siya aalis ay mas maganda na ako nalang ang magluto nang para sakin. Minsan naman ay hapon ang pasok niya kaya naisip ko na paghandaan siya ng pagkain kung sakaling hapon ang alis niya.
Makalipas ng ilang araw ay pumunta kami sa school kung saan niya ako gustong ipag-aral, malaki ang school na ito at nakakapagtaka dahil malamig ang paligid. Mahaba ang daanan nito bago marating ang entrance ng school, ang unahan ay bubungad sayo ang napakataas na gusali na may nakaukit na pangalan ng school. Sa gilid ay meroong small room at nakasulat roon ang 'Service Room' sa kaliwa naman ay naroon ang museum na napakalaki sa gitna ay merong puno at ang gilid nito ay upuan na gawa sa bato at maraming mga damo sa paligid nito.
Pumasok kami sa isang room at tanaw ko ang napakalaking silid, sa gilid ay meroong naghahabaang mga lamesa at maraming mga estudyante ang nakapila para sa enrollment requirements. "New Student kaba, hija?"
"Opo" Sabi ko.
Nagsulat siya sa papel at binigay ito sakin, pinakita nadin ang mga scheduled ng pasok ko pumunta kami ng registar office na ang pinto ay salamin. Ngayon palang ako nakakita ng pinto ay salamin at makikita mo ang likod nito, nagbigay ng pera si ate duon bago siya lumingon sakin. "Pagbutihin mo ang pag-aaral mo dito, padayon bunso" ngumiti ako sa kanya bago namin napagdesisyon na pumunta sa Seven Eleven.
"Dito ako tumatambay after ng klase namin noong college, masanay kana sa magiging new environment mo dito." Tumango ako sa kanya at ngumiti "Maraming salamat ate" Nilingon-lingon ko pa ang aking mga mata upang maalala ko ang bawat sulok nito "Hu'wag mong aaksayahin ang pera na binibigay ko sa school, architecture ka kaya dapat alam mo yon." Tumango ulit ako sa kanya at ngumiti.
"Oo nga pala sikat na school itong pinasukan mo, maraming mga artista ang nag-aaral dyan kaya kung may mang-bully man sayo dyan sa loob magsabi ka sakin, okay?" Kumindat siya at ngumiti
"Ang mabuti pa umuwi na tayo para makapagpahinga kana, ilang araw nalang ay may pasok kana." Si ate.
Makalipas ng ilang araw ay bitbit ko ang bag na binili niya sakin, suot ang uniform na puti at may halong pula, meron nga itong necktie at maikling palda na halos hanggang tuhod ko lang. Mahaba ang pulang medyas at itim naman ang sapatos, bagsak ang mahabang buhok na kahit kaylanman ay hindi pinagupit ni lola at lolo.
YOU ARE READING
Whisper of the Heart
Teen FictionHindi kalang talaga basta badtrip sa paningin niya kundi isa kang kalaban sa paningin niya, ginagawa ko ang lahat para maging friendly sa kanya pero ayaw niyang tanggapin ang katotohanan. Being more smart than him which leading him to the private pr...