Lumbay

6 1 0
                                    

Sa gabing kay lumbay
Ikaw ay hinahanap-hanap,
Makasama habang buhay
ang nagsisilbing pangarap.

Na sa paglipas ng gabi
Sana'y nasa 'yong tabi,
Sa bawat sandali,
Pangako ako'y mananatili.

Dahil sa isang 'tulad mo
Ako'y tunay na nabighani
Ikaw ang mas nanaisin ko
Makasama kahit sa sandali

Ika'y aking pahahalagahan
I-ibigin' walang hanggan,
Mamahalin kang tunay
Aalagaan, habang buhay

Sulat-Puso | Aking TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon