Kabanata 41

2.4K 66 3
                                    

YUMI POV

Nasa pathway kami kapapasok lang namin sa school kasabay ko si Ate Akira maglakad. Hindi kami nag uusap masama talaga ang loob ko sakanila. Hindi ako galit masama lang talaga ang loob ko para bang pinagkaisahan nila tong nararamdaman ko. Pinagselos nila ako.

Papasok ko tahimik lang sila Jeff, Daniel, Ayane, Faye, Angie, Maica at Patty na nakatingin saakin. Nakikita ko na naguguilty sila sa ginagawa nila pero gusto ko lang naman na iparamdam sakanila na mali ang ginawa nila parang pinaglaruan nila tong nararamdaman ko.

"Okay ka lang?" Tanong saakin ni Yuki saakin. Tumango nalang ako. Medyo inaantok ako dahil hindi ako nakatulog kagabi kaiiyak. Para na nga akong baliw dahil first time kong nakaramdam ng ganung kasakit ang hirap pala.

Buong oras ng klase tahimik sila Jeff. Nagtataka na nga yung mga teachers namin dahil ang tahimik daw nila Jeff hindi daw nag iingay. Hindi ko alam na ganun pala ang magiging epekto ng guilty nila. Parang gusto ko na tuloy silang kausapin.

Recess time na kaya lumabas na kami nila Yuki sa classroom kasama namin sila Ayane pero tahimik parin sila hindi rin sila makatingin saakin.

"Yumi?"

Biglang bumilis amg tibok ng puso ko mg marinig ko ang boses nya. Sya lang naman ang nagpapabilis nito at sya rin ang nagpapasikip. Tinignan ko sya nakatayo sya sa gilid ng pinto ng classroom namon. Tinignan ko lang sya. Sabi ko iiwas na ako. Ayoko na ulit maramdaman ang naramdaman ko kahapon ayoko na.

"Sorry." Sabi ni Akihiro. Hindi naman ako galit sakanya masama lang ang loob ko magkaiba yun.

"Okay." Sabi ko. Bigla syang nag angat ng tingin at kumunot ang noo. Biglang kumalam ang skimura ko hindi kasi ako nakakain kagabi pati kaninag umaga dahil wala akong gana. Nagugutom tuloy ako ngayon.

Naglakad na ako papuntang canteen nagugutom na talaga ako mamaya ko nalang sya kakausapin baka bigla nalang akong mahimatay sa gutom dito at isa pa ayoko syang kausapin. Hindi ko alam sasabihin ko. Pagpasok ko sa canteen bumili ako kaagad ng pagkain at umupo sa bakanteng upuan. Nakasunod pala saakin sila Ayane.

"Pwedeng makiupo?" Tanong nila Daniel at Jeff. Tumango nalang ako.

Lahat sila nakayukong kumakain maliban kay Yuki. Pinipigilan kong matawa masyado ba silang natatakot sakin? Sabagay first time nila akong makitang ganito. Yung hindi sila kinakausap at pinapansin. Habang kumakain kami tahimik lang nakakapanibago sila ang tatahimik.

"Parang ang laki ng kasalanan natin sakanya nahihiya ako." Napalingon ako sa nagsalita. Sila Ate Shanen naglalakad papunta sa counter ng canteen.

"Magso---" Nahinto sila sa paglalakad at pag uusap ng makita nilang nakatingin ako. Nag iwas ako ng tingin. Ako yata ang pinag uusapan nila. Tumayo na ako dahil tapos na akong kumain. Lahat ng barkada nandito sa canteen lahat sila kasabwat sa plano.

Dinaanan ko sila at naglakad papuntang rooftop. Ayoko ng masama ang loob ko gusto ko na silang kausapin at sabihin na hindi naman ako galit gusto ko lang naman na ipaintindi na hindi dapat nila ginawa yun. Naguguilty ako sa ginagawa ko. Promise mamaya kakausapin ko na sila magsosorry din ako dahil hindi ko sila kinakausap at pinapansin. Hindi naman sobrang laki ng ginawa nila kaya dapat lang tanggapin ko yung sorry nila.

Napabuntong hininga nalang ako. Ito yung sinasabi nila na mahirap sa taong mabait ikaw na ginawan ng hindi maganda ikaw pa ang naguguilty dahil hindi mo sila pinapansin.

When I'm in High School (Completed)Where stories live. Discover now