[13]

268 14 4
                                    

"Lagi mo na talaga siyang nakikita?" hindi makapaniwalang tanong ni Kael. Nandito ako sa bahay niya ngayon at nakikikain. Birthday kasi nung crush niyang katulong kaya nagpakain siya. Alam ito ng daddy niya pero akala ng daddy niya ay sadyang mabait si Kael kaya ganito.

Hindi niya alam na sadyang malandi lang talaga ang anak niya. Nandito rin ang kapatid ni Kael na si Kandice. Mas bata lang ito ng dalawang taon sa amin at college na rin. She goes to Enderun dahil sobrang talino nito na exactly opposite ni Kael.

Tahimik ito at nakakulong sa kwarto. Tingin ko ay nag-aaral nanaman.


"Oo." Kinwento ko na rin ang nangyari noong isang linggo. Yung sa stock room. Natakot si Kael dahil ang pinakaayaw raw niyang klase ng multo ay yung mga sumisigaw. Hindi nga ako natakot kay Madelaide nun eh. Naawa pa ako sa kanya sa lagay na yun.

"Edi pare may third eye ka!" binatukan ko siya at sinipa ang binti niya. Ginantihan naman niya ako pero hindi ko na siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pagkain ng sopas.

"Tanga hindi. Hindi ako nakakakita, sadyang nagpakita lang si Madelaide sa akin dahil gusto niya" sabi ko.

"Alam ko na" humawak siya sa sentido niya at napangiti sa sarili niya.

"7thsense ang tawag diyan. Ang talino ko nga naman talaga oh."


Sinamaan ko siya ng tingin. Nag-aaral ba to. Parang wala siyang natututunan eh. Tingin ko ay puro inom, billiards at babae ang laman ng utak nito. Binatukan ko ulit siya, ng mas malakas.


"Tanga! Pinagsasabi mo?"

Tinaas niya ang nakabukas niyang kamay sa harapan ko. "May 5 senses tayo. Pang anim ang common sense, kaya pang pito yang sayo. Nakaka-sense ka ng spirits." Napailing nalang ako sa kahibangan niya. Hinayaan ko nalang siyang magsalita. Tingin ko ay nabagok ito noon.

Tumango nalang ako. "Kapag ikaw ang nakakita, ang tawag dun, 6th sense. Wala ka kasing common sense" sabi ko.


Bigla niyang kinuha ang plato ko at inilayo sa akin. Nakanguso ito at akala mo ay cute tignan. Pa-cute naman masyado. Trying hard samantalang kapag ako ang gumawa niya nahimatay na lahat eh wala pa akong ginagawa.


"Akin na! Hindi pa ako tapos!" sabi ko at umiling siya. Napairap ako. Bakit ba ang isip bata ni Kael? Akala mo tatlong taon lang to kung umasta eh.

"Sabi mo wala akong common sense eh" nagtatampong sabi nito.

"Joke lang 'yon wag kang tanga! Akin na yang plato ko!" ngumiti naman siya ka agad at binigay ang plato ko.


Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Nakarinig ako ng mahinang tawa. Agad akong lumingon at nakita si Madelaide na mukhang tuwang tuwa sa amin ni Kael. Nang magtama ang tingin namin ay nagtago ito sa likod ng poste.

Tinignan ko si Kael pero mukhang wala itong narinig at hindi niya nakikita si Madelaide. Posible nga bang may third eye ako? Pinilig ko nalang ang ulo ko at inubos na ang natitirang pagkain sa plato ko. Nandito rin si lola pero kausap niya yung daddy ni Kael, na medyo matanda na rin.

Nandun sila sa taas, sa library. Kasama rin nila yung head maid. Yung matanda na rin. At mukhang nagkakasundo sila ngayon.


Dumiretso kami ni Kael sa kwarto niya at nakasalubong ko pa yung chinichicks niyang yaya. Ginreet ko nalang ito ng happy birthday. Ngumiwi nalang ako ng halikan siya ni Kael sa pisngi at niyakap ng mahigpit saka ito binati. Kilig na kilig naman yung babae. Hindi ko nalang sila pinansin at nauna na.

7th Sense: HauntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon