Chapter 12: First Meal

906 47 93
                                    

Rafaila Waylens

Umaga na ako nakauwi ng bahay, naabutan ko sina Tita Ynnes at Kuya Failan dito sa sala. Halata ang pagkagulat sa kanilang mga mukha nang makita nila ako. Nanatili akong nakatayo dito sa labas ng pintuan. Yumuko ako, hindi ko kasi alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanila yong mga nangyari sa akin.

At paano ko sasabihin sa kanila ang mga nadiskubre ko tungkol sa pagkatao ko? That I'm a monster. Maaaring hindi nila ako paniwalaan sa una kapag sinabi ko ang totoong nangyari, pero kapag nakita nila ang mga pagbabago sa akin baka katakutan nila ako. And I don't want that to happen, they're all I have in my life.

"Rafa!" Sabay nilang saad.

Agad akong nilapitan ni Tita Ynnes at niyakap. "Sobrang nag-alala kami sayo. Kagabi pa tumatawag si Sacha para itanong kung nandito ka na, pero-----" Hindi naituloy ni Tita ang sasabihin, halatang naiiyak siya.

"Ayos lang po ako. Nahilo po kasi ako sa school kaya dinala ako sa hospital." Ito lang ang naisip kong dahilan para makumbinsi ko sila na okay lang ako.

Inilayo ng bahagya ni Tita ang kanyang sarili sa akin. "Mabuti naman nandito ka na. Hindi na kami mag-aalala pa ng Kuya mo." Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at marahang piniga. "Kumain ka na ba?"

"O-opo, Tita." Iniwas ko ang aking tingin para hindi niya ako mahuli na nagsisinungaling. Wala pang laman ang tiyan ko, ilang araw na. Napatingin ako kay Kuya Failan, naiiyak yong ngiti niya. Alam kong matindi ang kanyang pag-aalala nong wala ako rito sa bahay.

"Hindi ka ba papasok sa klase mo?" tanong ni Kuya. Hinawakan niya yong ulo ko saka niya ginulo yong buhok ko. Yong ngiti niya naging kalmado na, mukhang kumbinsido na siya na ako talaga itong nasa harapan nila ngayon.

"Hahabol po ako sa pangatlong klase, Kuya." sagot ko.

Tumango siya saka niya ako inakbayan. "Nag-alala ako sayo, pero naniniwala ako na makakabalik ka dahil alam kong mas matapang ka kesa sa akin. Hindi ko lang maiwasang kabahan kagabi."

Bahagya akong napangiti sa sinabi niya, na mas malakas daw ako sa kanya. Kung alam lang niya, mahina ako physically. Medyo malakas lang talaga ang loob ko minsan kapag may gusto akong makuha. "Sorry Kuya." Yumakap ako sa kanya para hindi na siya mag-alala.

"Next time, huwag mo na kaming pag-aalalahanin masyado ni Tita. Sige na, mag-prepare ka na para sa school. Sabay na kaming aalis ni Tita. Maghahanap ako ng bagong trabaho ngayon." Muling ginulo ni Kuya yong buhok ko saka niya kinuha yong bag niya na nakapatong sa ibabaw ng sofa. "Aalis na kami."

"Opo Kuya. Ingat po kayo ni Tita." Hinatid ko sila dito sa labas ng pinto saka ko sila sinundan ng tingin habang papaalis na sila.

Huminga ako nang malalim, kahit ako hindi ko akalaing makakabalik pa ako ng buhay dito sa bahay. Pagkatapos ng ilang sandaling pagkatulala ko, pumunta ako dito sa kusina at binuksan ang ref. Marami itong laman na pagkain, pero wala ni isa sa mga ito ang gusto kong kainin. Ngayon ko lang narealize kung bakit ilang araw na akong walang ganang kumain ng mga pagkaing nasa harapan ko. Dahil isa na pala akong halimaw.

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa pinto ng ref. Napakikit ako, nanghihina na ako, paano kapag hindi ko na nakayanan ang gutom ko? Baka hindi ko makilala ang Kuya at Tita ko, maging biktima ko pa sila.

Napailing ako. Agad ko ring iwinaksi ang nasa isip ko. No, that won't happen. Hindi ako papayag na tuluyang maging halimaw. Baka may paraan pa para mawala ang sumpa na ito!







SA PANGATLONG subject na ako papasok.  Tahimik akong nakasandal dito sa pader ng classroom, hinihintay kong matapos ang klase. Blanko ang isip ko, malayo ang tingin ko, pero bigla na lang lumitaw sa isipan ko yong mukha ni Luna. Hindi mawala-wala sa isip ko ang nakakapangilabot niyang tawa habang pinapanood niya akong nakalambitin sa gilid ng rooftop. The way she looked at me, the way she planned to kill me... It's all I can think about.

Awakened (Vampire) GLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon