WATTPAD

34 0 0
                                    

DEDICATE SA LAHAT NG WRITER DYAN. HEHE. :">

Ako yung dahilan kung bakit naadik sa wattpad mga kaklase ko. =)))))

Nag start talaga ko mag basa nung bakasyon eh. Dinownload ko yung She's Dating the Gangster.  Maganda daw eh. Akala ko nga libro yun. Ayun. Nabasa ko at sympre wala akong nagawa kundi umiyak ng umiyak. Eh kasi naman :))))

Hanggang isaw araw  nabasa ko sa tumblr yung wattpad.

Nung una nga sabi ko. ANO BA YANG WATTPAD NA YAN?

Hanggang sa wala nakong mabasa dahil paulit ulit kong binabasa yung She's dating the gangster saka my girl and i. 

Naisipan kong gumawa ng Wattpad account. Wala lang basa basa. Nahiya kaya akong ipost yung story ko. Baka madedma eh. 

Hanggang sa andami kong nabasang maganda. Sadist Lover (1-3), Perfect Shot, Picture of You, AFGITMOLFM, 548 heartbeats, How to dethrone a prince (1 & 2), Infinity and Beyond, Tamako Sia, Wanted: Babymaker, Secretly Married AT madami pang iba. :) Lalo na din mga one shot stories :">

Ako kaya yung tipong ayaw ng nabibitin. Kaya nga hindi ako nagbabasa ng ongoing stories eh. Pero dahil sobrang naadik ako mag basa, AYAN. Kahit ongoing stories yan. Go lang ng go.

Hanggang ngayon kahit busy ako sa school pag dating ko sa bahay. Kunin ko agad ipad para icheck kung may nag update na ba. Haha JUSKO. Kaadik lang.

Hindi din ako pala comment ng update agad please. Yung tipong ganyan. Eh alam ko naman na busy din sila. Kahit na bitin ako. Okay lang. Haha atleast nag update dba :">

Naalala ko nung bakasyon pumunta dito bestfriend ko at dito matutulog samin.

That time binabasa niya She's dating the gangster. Hanggang sa natapos niya. At sabi ko maganda din My Girl and I. Ayun hanggang sa natapos niya ulit yun. Takte. Wala kaming ginawa. Kundi maghanap ng mala Tofer at Kenji. :))

Sabi ko sa kanya nun Sadist Lover maganda. Try mo.

Sabi niya. Sige daw bigyan ko siya ng copy.

Ayun hanggang nag pasukan na wala pa rin siyang copy nun. Pero isang araw. Sabi niya na download na daw niya.

AYUN. Kinikilig siya araw araw dahil kay Lance Mariano. Yun na daw type niya. Hahaha.

Hanggang isang araw absent ako. Sininat eh. Ayun. Sabi niya. KINUWENTO NIYA SA KLASE YUNG KAY LANCE MARIANO. Wala daw ako eh. Eh di wala siyang ka kwentuhan kaya yun kinuwento sa klase si Lance Mariano. =))

Ehh dahil CE time namin. Sobrang saya lagi nun. Promise.

Nag pasulat si Sir sa board. Yung half sa boys at sa other half sa girls. ANO YUNG MGA BAGAY NA NAGPAPASAYA SAMIN?

Yung boys puro dota, pagkain, chicks. HAHA at iba pa.

Tas saming girls. Nako. Kpop, chocolate, sweet boyfriend (ako nagsulat nun) =)) Tapos nilagay nung best friend ko. Lance Mariano. AT LAHAT SILA TANONG SINO YUN.

At dahil dakilang imbentor kami. =)))) Sabi namin. Taga ibang school at crush namin..

Ayun naniwala naman sila. Mungewan HAHAHA.

At kanina lang sabi niya sakin. Nung bestfriend ko. Please lang wag mo na muna ko bigyan ng kahit anong story. Naadik ako eh. :))))))) 

Sabi ko OO NA. Haha naawa din ako dun. Isang araw kasi mugto yung mata at halatang walang tulog. :)) Malamang umiyak yun dahil sa sadist lover. :)) Hays Lance Mariano. 

At dahil nabasa ko rin yung Unspoken Question, Graduation, Summer Class ni blacklily. :)

Ayun kinuwento ko kanina sa kanila. Sa 2 best friend ko.

At kaming 3. Nalungkot. Tangina ni Aidan. Yun yung isa sa mga sinabi nila. Paasa. Ganun. Ramdam namen yung lungkot..

Paulit ulit ko kinuwento eh pano ba naman nung una kong kinuwento hindi nakikinig sakin.. Nag babasa kasi ng Iliad. May quiz kasi kami kanina dapat dun eh =))

Ayun ask nila san ko daw nababasa yun. Sabi ko wattpad. Tas sabay nilang sinabi. Leche adik ka na dun. :)))))

At kinuwento ko din sa knila yung Magkikita tayo ulit ni kawang_gawa.

Ayun halos maiyak sila. Bat ganun daw si Francis? At lahat kami halos tanong sa lalaki namin klasmeyt na kung mahal mo talaga si girl bat nagawa niya yun? At ayun ang lalaki naming kaklase. Natatawa samin. Kung ano ano daw pinag tatanong namin.

AT DAHIL NAAADIK AKO SA WATTPAD POPOST KO NA MGA GINAWA KONG STORYA. May pumansin man o wala. Atleast nashare ko. HAHA.

Sabi nga ng bestfriend ko kanina. Bat di ka kasi gumawa galing mong gumawa kaya ng storya. 

Sabi ko gagawa na. :)) AT ang sabi niya. Gawin mo din yung sa ex mo ah.

Yep gagawa ako pag may time na. Tinatamad ako ngayon eh. Masyadong mahaba yun. HOHO. :))

AT DAHIL NAG ENJOY NANAMAN AKO MAG TYPE NG MAG TYPE.

Hanggang dito nalang muna.

Thankyou po sa mga writers na gumagawa ng mga magagandang stories. Kahit na minsan sad ending.. Thankyou po :"> Especially, blacklily, aril_daine, pilosopotasya, kawang_gawa, at maraming pang iba :)

DIARY KO =))Where stories live. Discover now