Neither Of Us

80 1 0
                                    

Author's Note.
Hi guys! =) . This is a short story. Uhm, response ko ito sa isang wattpad story ng friend ko. Di ko na sasabihin yung title. Hahaha. Love lots. XD
Warning: I'm not a writer. Don't expect too much. Thanks for reading! =)

Lea Michelle Reyes' POV

People call me Lea - madaldal, mabait, friendly, maingay, may pagkaboyish din at matalino din daw. Di ako kasing ganda ng mga kabarkada ko, pero may unting laban naman ang face ko. Pero wala naman kasi akong pakialam. Haha.

Dalawa sa mga kabarkada (Eireen and Paris) ko ang habulin ng lalaki, andami nilang kilala kahit upper year pa. That's why pag makiki usyoso ako sa kanila kung sino na ang topic, parang nagpipinoy henyo lang kami. XD

Well, dahil kay Eireen I met him. I met this guy who found his place in my heart.

It was during our summer vacation ng nakareceive ako ng text from an unknown number. Nagpakilala siya, Earl Grey Perez - ang lalaking umamin kay Eireen nung isang araw sa text. Since then, nakakareceive na ako ng texts galing kay Kuya Earl. Unting usap lang. Sinabi niya na ginamit lang ng mga kabarkada niya yung name niya. Pinang cover nila yung name niya para mailakad yung kaibigan nilang isa (si Kuya Ash) kay Eireen. Pero di ko na din siya nirereply-an madalas after noon.

Dumating na ang third year high school. Ganun pa rin siya. Pero ini-ignore ko lang ang mga texts niya dati. Pero dahil minsan, tinatamaan ako ng boredom at nasasayangan sa load na meron ako (pang one month kasi yung niloload ni Mudra sa akin), sinubukan kong magreply sa kanya. Well, nakakaentertain, lalo na kung yung mga topic namin is about sa music. Naging kaclose ko siya. Andami naming napapagkasunduan. nag-i-start nga din akong magkagusto sa kanya eh. Pero nagbago siya. Oo, siya yung unang nagbago. He started texting sweet words. Lahat ng kalokohang pinagtetext ko, papatungan na niya ng kaharutan. Hindi ko mapigilang kiligin kasi nagkakacrush na ako sa kanya that time. Naging mas caring pa siya and tinatawag na din niya akong 'princess' ... Hindi naman kasi ako yung tipong pag crush ko yung lalaki, is papa-impress ako. Or gagawa ng move. Di ko lang trip. Haha

That time ko nalaman na crush mo din pala siya, Celine. No. Hindi pala crush. Based on your story dito sa wattpad, mahal mo na pala siya noon at may endearment pala kayo. Sinabi niya rin pala na di ka niya gusto. As a friend, pag sinusumbong mo sa akin na di ka niya nirereply-an dati, gumagawa ako ng paraan.

I tried na hindi magkagusto sa kanya. Pero wala eh. Ayun, tinawag ko naman siya prince. Ang gulo ko. Ayokong umamin sa kanya na gusto ko siya dahil inamin niya sa akin na gusto niya ako. Ayan na oh. Umamin na. Pabebe? Pakipot? Ewan. Basta ang alam ko, ayoko sana pumasok sa MU MU na tawag nila. Alam ko na ang MU, crush niyo lang ang isa't isa. No limits. Right? Malanding Ugnayan sa Magulong Usapan. Pero 'di lang naman yun eh. Yung pagkakacrush mo minsan bumabagsak sa one sided love. And ayoko sa ganun.

So bale kapag umamin ako sa kanya (cause madalas niyang tanungin kung sino crush ko), inaalam ko muna kung ibang babae ang crush niya (ang landi ko din naman kasi).

Until nung March, ewan ko. Basta naging MU na kami. Di ko na alam kung paano ako napasok sa sitwasyon na yun. Nung una parang naisip ko yung paniniwala ko sa MU, pero masaya naman ako. Di naman siguro masamang itry. Sweet kami. sa TEXT. 97% na nag-usap kami? Lahat yun sa text. Kahit na may mga time na magkasama kami kasi tinutulungan niya ako sa isang school activity, madalang lang kami mag-usap. Okay lang naman sa akin.

Everything's fine. Grumaduate na din siya. Ayos hanggang bakasyon.

Pero siyempre, iba pa rin ang buhay college sa high school. Naging busy siya. Nasanay ako sa atensyon. I think naging demanding ako. Siguro nasaktan siya sa ugali ko. Siyempre busy siya tas pipilitin mong nagtext siya sayo? Hahaha. Ang lame kaya. Immature. I don't know kung anong nangyari basta one day, tinanong niya kung pwedeng friends nalang daw ulit kami. Well, pumayag naman ako. Feeling ko yun yung tamang decision eh. Hahaha.

Kaya Celine, di mo man alam ito. Or baka kung mabasa mo man ito, Neither of us won his heart. Let's be both happy and move forward. Aja! Ahahahah. Madami naman dyan sa manila eh. Hahaha. Peace!! ^_^

PS: I heard na may gf na siya, and she's cute. =)

-ParkerLeeDeAsis.

Neither of UsWhere stories live. Discover now