CHAPTER NINE
“NGAYON, siguro naman ay puwede mo nang ikuwento sa akin kung paano mo nakuha 'yang kalmot na iyan,” sabi ni Lou Ann sa pagitan ng paghaplos-haplos sa malapad at mabalahibong dibdib ni Alfred.
Nakahiga sila sa ibabaw ng kanyang kama, exhausted from another mystical journey to paradise. Nanulis muna ang nguso ni Alfred bago sumagot.
“Hmm...well, let’s say may nanggigil lang sa ‘kin,” anito na nagkibit-balikat. Panay naman ang masuyong paghaplos ng binata sa kanyang naka-expose na braso.
“One of your...girlfriends?” bantulot na tanong ni Lou Ann. “No, no, don’t speak. I know the answer.”
Tumawa si Alfred at saka siya kinabig payakap. “Don’t tell me...hey, are you jealous?”
Nagtaas ng kilay si Lou Ann. “Hmp, at bakit naman ako magseselos? Tiyak ko namang mas maganda ako kaysa sa kanila.”
Napahagalpak ng tawa si Alfred. “True, sweetie, true. Walang mas gaganda sa 'yo,” madamdaming saad ng binata. Nahimigan naman ni Lou Ann sa tinig nito ang sinseridad ng sinabi.
“Which calls to mind, I need a raving beauty for a family gathering on Saturday. Tita Minerva wouldn’t settle for anything less than the best this time. She warned me so.”
Na-recognize agad ni Lou Ann ang pangalang binanggit ni Alfred. Si Minerva Ylagan ay terror sa kanilang mga elementary pupils noon dahil ito ang principal ng kanilang eskuwelahan.
“Which mean,” pagpapatuloy ni Alfred, “We have to go shopping for your new clothes tomorrow.”
Kahit noon naman ay si Alfred talaga ang madalas na kasama ni Lou Ann sa pagsha-shopping. Nabago lang iyon nang magkanobyo siya. Well, come to think of it, bigla niyang naisip. She missed those times.
“Hmm...yeah. Let’s do that tomorrow,” pagsang-ayon ni Lou Ann. “We never do that anymore.”
“Mula nang magka-boyfriend ka,” ingos ng binata.
Pagkuwa’y biglang natigilan si Alfred. Tila may kung anong problemang pumasok sa isip nito pagkabanggit ng tungkol kay Jeffrey. Nagwo-worry din ba ang binata tungkol sa lalaki katulad niya? Where does Jeffrey stand now?
“For sure, palagi ninyong pinag-aawayan ang katagalan mo sa fitting room; ang pagiging fickle-minded mo sa pamimili ng bibilhin, et cetera, et cetera,” sabi ni Alfred na pumutol sa pag-iisip ni Lou Ann tungkol sa kanyang nobyo. May nahimigan siyang selos sa tono nito. “Ako lang ang makakapagtiyaga sa ugali mong 'yon.”
“On the contrary, ikaw itong palagi kong kaaway sa loob ng mall. Why, Alfred, hanggang ngayon ba’y hindi mo pa rin accepted na ilang taon na lang, eh, makakalbo ka na dahil sa matinding neurosis mo? You always worry about things!” kantiyaw ni Lou Ann sa binata.
Ngumiti si Alfred nang maluwang. “But not anymore, dear, not anymore. Now I know what simple, absolute happiness is...and it’s right here beside you...” Biglang dumagan si Alfred sa ibabaw niya, nakangisi ito habang nakatunghay sa kanya. “...or do I say, on top of you...”
Napahagikgik si Lou Ann, kiliting-kiliti sa ginagawang paghalik ni Alfred sa kanyang leeg...pababa sa kanyang dibdib. Nang magsawa yata, umalis ito sa pagkakadagan sa kanya at bumalik sa dating puwesto. “The heck with the business...and the rest of the world.”
Pigil ni Lou Ann ang pagbungisngis. “Well, then, you must be in love!”
Napangiti si Alfred, pagkatapos ay tumagilid; itinukod ng binata ang isang siko at sinalo ng kamay ang ulo, pagkuwa’y tinitigan siya nito nang taimtim.

YOU ARE READING
Ikaw Lamang Pala by Camilla
General FictionIKAW LAMANG PALA by Camilla Published by Precious Pages Corporation "Ikaw lamang pala ang hinihintay ko... all the while ay nasa kabilang dingding lang pala ang kaligayahan ko. What took me so long to realize that?" ©️Camilla and Precious Pages Corp...