[31] Make her happy..

45 2 0
                                    

-Zaniel's POV-

What have I done? Ganon ba yung ipekto ng mga nasabi ko kanina? Ganon ko ba siya nasaktan?

Napasabunot ako sa'king buhok ng maalala ang mga nangyari kanina. Hindi ko kasi inaasahang makita sina Vriette at Drij na nag-haharutan sa mismong library pa kung saan dapat ay tahimik at sa mismong oras pa ng practice namin.

Tama na hinahanap siya ng mga kasama pa namin. Pero hindi totoo na pinapahanap siya. Ako lang mismo ang nag-sabi na hahanapin ko siya. Matagal na din kasi simula noong huli ko siyang makita. Yun ay noong araw na umalis ako sa kalagitnaan ng praktis kung saan may kailangan akong puntahan.

Bago ako umalis ay panata ang loob ko na magiging ayos ang lahat. Pero ngayon wala na sa loob ko ang isipin na maayos pa ang lahat matapos ang ginawa ko.

Oo alam ko, nag-sinungaling ako. Pero yun ay dahil wala akong maisip na dahilan upang isagot sa kanya. At saka ganon na rin yun. Hinahanap siya ng mga kasama namin tapos makikita ko lang siya na nakikipag-harutan? Ayos diba?

"Ano masaya ka na? Masaya ka ng pati ikaw sinaktan mo siya?" nabigla ko ng mag-salita si Lina. Kalmado lang ito. Hindi ko inaasahang bigla-bigla ana lang siyang susulpot sa tabi ko ng walang pasabi. Tama nga pala, masyado siyang over-protective kay Vriette kaya alam nya na ang nangyari.

Inayos ko ang sarili ko at iniiwas ang tingin sa kanya. Hindi ko alam kung paano siya haharapin. Pero mas mahirap alamin kung paano ko haharapin si Vriette matapos ang ginawa ko sa kanya. Matapo sko siyang saktan at paiyakin.

"Sabihin mo nga Zaniel, tama kayang ipinaubaya ko siya sa'yo at inilayo ko siya kay Drij? Tama ba yung desisyon kong pahirapan si Drij para malaman nya kung ano ang pag-kakamali nya? HA?!" noong una ay kalmado lang ito pero bigl ana lang itong sumigaw na ikinagulat ko naman. Napalunok na lamang ako. "Akala ko iba ka sa bestfriend mo, pero yun pala parehas lang kayo!"

Gustong sabihin ng utak ko sa kanya ang katagang : "Let me explain Lina.."; pero ano bang i-e-explain ko? Wala naman diba? Ano bang sasabihin ko? Wala din. Wala akong maisip na idahilan sa kanya kung bakit ko nagawa yun kundi ang SELOS.

"Ano hindi ka sasagot at mananahimik ka na lang?" sigaw niya. Nawala na ang kalma sa mukah niya. Daretso ko siyang tingnan sa mata at kita ko ang galit na pinipigil niyang ilabas. "You know what, you prove me wrong. You prove me that you don't deserve her either. The two of you prove me that none of you deserve my Sister! You two are not worth it for her love!"

 

You prove me that you don't deserve her

Just Can't SayWhere stories live. Discover now