PROLOGUE

1.7K 17 0
                                    


"SPOILED BRAT! Wala kang ginawa kundi pasakitin ang ulo namin! Immature!"

Nagdilim ang paningin ni Alex sa kapatid na si Hans. Nanginginig sa galit na lumipad ang kanyang kanang palad sa pisngi nito. "I'm not a spoiled brat! Ikaw lang itong mapapel at palaging nagmamagaling kay lolo! Palibhasa hindi ka tunay na-"

"Alexandra!" napatigil siya at nagulat nang makitang nakatayo lang pala sa likod niya ang kanyang lolo, si Don Fernando. Sa edad na 67 ay matikas pa rin at maganda ang tindig.

"Lolo, si Hans ang nanguna! Kung anu-ano ang pinagsasabi niya!" sumbong niya. Humawak pa siya sa braso nito. Alam niyang siya ang kakampihan nito katulad ng dati.

Sa kanyang gulat, inalis nito ang kanyang mga kamay. Masama ang tingin sa kanya. "I heard everything and I saw what you did to your brother!"

Napatanga siya.

"Napakamaldita na niya talaga, lolo," sabi pa ni Hans.

"Mag-sorry ka sa Kuya mo," utos ni Don Fernanado. Seryoso.

"No!" pasigaw na sagot niya. "Siya ang may kasalanan sa akin!"

"Magso-sorry ka o aalis ka sa bahay ko?!" galit ang kanyang lolo.

Hindi siya makapaniwalang naririnig niya ito mula rito. Tinitigan niya si Hans pagkatos ay ibinalik ang tingin sa lolo. Pinahiran niya ang mga luha at nakataas ang noong sumagot.

"Kahit magunaw ang mundo ngayon, hinding-hindi ako hihingi ng tawad sa kanya!"

At padabog siyang tumalikod sa mga ito.

"Alexandra! Bumalik ka rito!" tawag ng lolo niya ngunit hindi niya ito nilingon.

Nagngingit-ngit siya kay Hans. Pati ang loob ng lolo niya ay tuluyan na nitong nakuha at ngayon ay wala na talaga siyang kakampi.

"Isinusumpa ko, gaganti ako sa 'yo sa paraang pagsisisihan mong ginalit mo pa ako! Tandaan mo 'yan, Hans!"

At lumayas nga siya sa bahay nila.

Kunwari, Mahal Kita...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon