4// Annoying Nico "the pervert"

367 12 9
                                    

Short Update. Singit lang to, dahil walang pasok bukas.

Hope you'll enjoy. :)

-Missha

CHAPTER 4

Nikki's POV

Sabado ngayon, ang bilis no? 

At ibig sabihin nito, pupunta ako sa bahay nila Tita Misshy. Ang tagal na daw kasi mula nung huling bonding namin eh, kaya pupunta kami ng mall ngayon. Tutal, wala naman sila Daddy eh, kakaalis lang nila kahapon. Mamamasyal daw muna sila.

Kailangan bago ng 10 o'clock nasa bahay na ko nila Tita Misshy. Kahit ganun yun, ayaw nyang may  male-late kapag may lakad.

Pumunta na ko sa walk-in closet ko at kumuha ng masusuot.

Sinuot ko na yung shorts ko at habang isusuot ko na sana yung damit ko, biglang..

BUMUKAS YUNG PINTO!!!! 

"Takaw, andya-- *whistles* & *smirks*"

 Tapos tinignan pa nya ko mula ulo hanggang paa.

O____O

Sh!t!

"Kyaaaaahh!!"

Halos marinig na sa buong kabahayan yung tili ko. Walanjo! Anong ginagawa nya dito!?

"Sh!t!! Lumabas ka nga!! Labas!! Kita mong nagbibihis yung tao eh! Labas!!" sabi--more like sigaw ko sa kanya habang yung isang kamay ko, tinutulak sya palabas at yung isa naman, pinantatakip ko na katawan ko.

Loko talaga yun! Hmmp!

Nang makalabas na sya, dali-dali kong sinuot yung damit ko at lumabas ng walk-in closet.

Pagkalabas ko kita, nakita ko si Nico, obviously "the pervert" na prenteng-prenteng nakahiga sa kama ko. Pero yung mga paa nya, nakasayad pa rin sa sahig, tapos yung naka-bend yung tuhod nya. Gets?

"Walangya ka talaga! Anong ginagawa mo dito at pano ka nakapasok sa kwarto ko!? Ha!?" sabi ko sa kanya habang hinahampas ko sya.

"Woaaah! Chill ka lang! Isa-isa lang ang tanong. Mahina kalaban."  tumigil ako sa paghampas sa kanya at hinintay syang bumangon.

"Unang-una, pinapasundo ka sakin ni mommy. Pangalawa, kaya ako nakapasok sa kwarto mo, dahil bukas yung pinto. Pagpasok ko wala ka naman dito, kaya binuksan ko lahat ng pintuan dito sa kwarto mo, at pagpasok ko sa pinto na yun na syang pinto ng closet ko walk-in closet mo pala, ayun--" sagot nya sa mga tanong at bigla nyang nilapit yung mukha nya sa mukha ko.

"I saw your sexy back. *grins*" sa sinabi nyang yun, sinapok ko sya. 

"Aray! Sadista ka talaga."

"Hmp! Oh tapos?"

"Malamang pinapasok ako ng mga kasambahay nyo eh." tuloy nya pa.

"Eh, pano nangyari na nakapasok ka sa kwarto ko, eh naka-lock yun?" tanong ko sa kanya.

"Well, sorry ka, bukas eh. Baka sira na yung pintuan mo kaya palitan mo na. Eh yung walk-in closet mo, naka-lock ba?"  tanong naman nya

"H-hindi." paiwas kong tanong sa kanya.

"Kitams. Buti na lang at hindi ako ibang tao, kundi, tsk tsk tsk.  Tara na nga. Magagalit si mommy sakin kapag wala ka pa dun."  sabi nya at tumayo na sa kama ko at lumabas na ng kwarto.

Inayos ko lang ng konti ang sarili ko at nagsuot na ng sneakers tsaka ko sumunod sa kanya pababa.

"Manang! Aalis na po kami." sabi ko kay manang, ang aking yaya since birth.

"Sige, mga anak. Ingat kayo!"

"Opo!"

"Oh tara na?" tanong nya sakin.

Tango na lang ang isinagot ko sa kanya.

Naawkwardan pa rin ako sa nangyari kanina.

Pagkalabas ko ng bahay, nakita ko si perv na nakasandal dun sa side ng passenger seat ng kotse nya, na nakabukas.

"Pasok."

"Naks, gume-gentleman ka ata ngayon ah?" pambibiro ko sa kanya.

"Sira, Sabado kasi ngayon, at ibig sabihin non para sakin, gentleman day ko. Gets? " sagot naman nya.

"Eh? May ganun ba?" tanong ko pa ulit.

Pero kibit-balikat lang ang sinagot nya sakin.

Well, okay. Pagkatapos nun, ibinalik ko na lang yung tingin ko sa kalsada.

 *Screeech*

"Andito na tayo." sabi nya

Hindi ko na sya sinagot at lumabas na lang ako ng kotse nya.

Pinuntahan ko na agad si Tita, dahil excited nakong makita sya. Hohoho.

"Titaaaaaa!! Im baaaaack! " sigaw ko pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay nila.

"Ehhh!! Wait lang bebe Nikki. Bababa na ko! " narinig kong sigaw ni tita mula sa itaas.

Pagkatalikod ko, bumungad agad sa harapan ko si Nico kaya na-out-of-balance ako. Pumikit na lang ako para hintayin na bumagsak ako sa sahig.

5-4-3-2-1

Huh? Bakit di pa ko bumabagsak? 

Dun ko lang naramdaman na hawak na pala ni Nico ang beywang ko. Pagkadilat ko, bumungad agad ang napakalapit na mukha ni Nico sa akin.

Oh my! Bakit ang gwapo nya? Tell mee!

"Heeeey!! Anong ginagawa nyo dyan ha!? Kakasabi ko lang na bababa na ko eh, pinormahan mo naman agad bebe Nico. " Biglang putol ni tita sa pagtititigan namin ni Nico, kaya bigla tuloy akong napaayos ng tayo.

"Ah, hehe. So, tara na? Excited na ko eh. " sagot ko na lang kay tita.

"Yeah. Tara na, para marami tayong mapasyalan ngayon." 

Papalabas na sana kami ng biglang sumigaw si Nico.

"Hey! Wait up! Sasama ko!" 

"Ha? Wag na bebe Nico, kaya na namin to." sagot naman ni tita.

" No, I insist, tsaka isa pa gusto ko ding mamasyal eh. I'll drive you na lang, mom." pagpipilit ni Nico.

"Fine. Para may alalay din tayo kung sakaling marami tayong mabili mamaya." 

What? Eh ano nang mangyayari mamaya? Pano na yung quality time namin ni Tita kung sasama sya? Fudge, ayoko syang kasama kasi...

Ang AWKWARD NG NANGYARI KANINA!! If I know, kaya sya sumama ay dahil iinisin lang nya ako.

Damn. What a wonderful way to start my day.

-End-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Watch Out! She's Back.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon