CHAPTER 8

777 31 16
                                    

CHAPTER 8

MARK’S POV

Maaga akong pumasok kasi gustong makita agad si Kath para maibigay ko na sa kanya yung singsing nya. siguradong matutuwa yun pag nabalik ko na sa kanya yung singsing nya. Hindi ko napansin na nakangiti ako habang naglalakad. Hindi ko pa nga malalaman kung di ako tinawag ni Justine classmate ko sya.

“Oh Mark ang ganda ata ng gising mo at abot hanggang tenga ang ngiti mo”sabi nya saka nya ako sinuntok ng mahina sa may balikat

“Well masaya lang ako”sabi ko sa kanya

“Mukhang na naging inspiration mo si da- I mean Kathleen ah”sabi nya ng pabiro

“Ano bang pinag sasabi mo? Bestfriend ko lang si Kathleen noh”sabi ko

“eh sabi mo eh”sabi nya

“nakita mo na bang pumasok si Kathleen?”tanong ko sa kanya

“Ah hindi pa eh”sabi nya

“ah ganoon ba, sige salamat na lang. Una na ako ah” sabi ko sa kanya saka na ako umalis

Nilibot ko yung school pero hindi ko mahanap si Kathleen. Nakakapagtaka kasi kahit anong oras ako pumasok eh lagi nya akong na-uunahan minsan lang talaga kami magkasabay pumasok pag sinusundo ko sya sa apartment nya. Wala naman syang cellphone kaya hindi ko sya macontact. Hay kung kaya bilhan ko sya ng cellphone. Oo nga no bibilhan ko na lang sya. Pero nasaan na ba yun? Pumasok na lang muna ako ng classroom namin dahil nag ring na yung bell pero hindi pa rin pumapasok si Kath. Nilapitan ko si Glendale at baka nakita na nya si Kath .

“Oi Dale!”tawag ko sa kanya pagkapasok na pagkapasok nya pa lang

“oh Mark bakit?”tanong nya naman saka ko sya nilapitan.

“Nakita mo na ba si Kath?”tanong ko

“huh? Bakit hindi pa ba sya pumapasok? Eh hindi uso ang late sa kanya ah”sabi nya

“yun nga ang nakakapagtaka eh”sabi ko at pumasok na yung teacher namin.

“Ok class, nandito na ba ang lahat?”tanong ni Sir Martin teacher namin sa Filipino. Nagtaas ako ng kamay ko

“Yes Mr. Reyes?”sabi ni Sir

“Sir wala pa po si Kathleen pwede bang mamaya na lang tayo mag start ng class?”tanong ko

“hindi yun pwede Mark papagalitan tayo ng principal lalo na ngayon tinitingnan ng Principal ang bawat classroom”sabi ni Sir. So wala na akong nagawa kahit kasi anak ako ng may ari nitong school na’to pantay pantay pa rin ang turing nila sa mga student. Sinimulan na ni Sir na magturo. Ako naman hindi ako nakikinig kasi ba naman yung isip ko lumilipad, iniisip ko na napano na kaya si Kath? Wala naman sanang nangyaring masama. 10 minutes na ang nakakalipas nang biglang bumukas yung pinto kaya agad naman akong napalingon dun. Nagbabakasakaling si Kathleen yun at tama naman ako si Kathleen nga. Kung kanina hindi ako mapakali ngayon naman pinipigilan kong tumayo sa upuan ko at lapitan si Kath. Baka kasi mapagalitan ako ni Sir.

“sorry Sir kung late ako”sabi ni Kathleen at bakit parang nanghihina yung boses nya. Tiningnan ko si Kathleen, namumutla siya at parang lantang gulay sya pati yung damit nya bakit gusot gusot, eh hindi nya nga hinahayaang madumihan yung sarili nya.

Dalawang subject din bago mag recess at habang hinihintay ko ang recess hindi dahil gutom ako dahil gusto kong ka-usapin si Kathleen. Sa dalawang subject na yun ni isa man dun hindi ako nakinig kasi nakatingin lang ako kay Kathleen hanggang sa dumating na yung time na. Tumayo na agad ako sa upuan ko at mabilis akong nakapunta sa tabi ni Kathleen.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 12, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

INLOVE AKO SA BESTFRIEND KONG BAKLA (ON-HOLD)Where stories live. Discover now