Chapter 21~

2.5K 89 4
                                    

Hindi maalis alis sa isip ni Snow ang mga linyang binitawan ni Stellar sa kanya. Gusto nya namang kausapin ito pero nagdadalawang isip syang lapitan ito. Hindi sya komportable the way she looked at her.

Napagpasyahan ni Snow na magtungo sa silid nya matapos silang maghapunan, kailangan nyang malaman kung ano talaga ang tunay na nangyayari ngayon at isang tao lang ang alam nyang makakatulong sa kanya.

"Alright then, see you tomorrow." and she hangs up.

Dala ng malalim na pag-iisip ay hindi na nya namalayang nakatulog na pala sya.



Nagtungo si Cyril sa condo nya, wala na syang ibang maisip na puntahan kundi dito lang, baka kung pumunta sya sa mataong lugar ay baka makasakit lamang sya ng inosenteng tao. 

Halos maubus nya na ang isang bote ng rhum ng marinig nyang may nagdo doorbell sa pinto. Malakas ang alcohol tolerance nya kaya deretso nyang binuksan ang pinto. Hindi na sya nagtaka sa nabungaran, si Lohan iyon. Tinawagan nya na ito nung papunta pa lamang sya sa condo nya. Isang makahulugang smirk lang yung ipinambungad nito sa kanya ng maamoy nito ang alcohol na ininum nya.

"Seems like we're going to have a serious matter to discuss, huh" sarkasmong sabi nito at dumiretso na sa loob.

"Yeah, it is" walang ganang sagot nya ng maisara ang pinto at sumunod sa kaibigan.

Nang prenteng makaupo si Lohan sa sofa ay agad nyang itinanong ang dahilan kung bat sya pinapunta ni Cyril sa condo nito. Hindi na rin ito nagdalawang isip na sabihin ang patungkol kay Stellar.

"Tsk! someone is trying to fit in." makahulugang sabi nito.

"Sa tingin mo? Pinapa background check narin nila kuya ang babaeng iyon, hinihintay nalang namin ang resulta. If she fooled our Dad, well she can't do that to us." tsaka tinungga ang shot glass.

"And how's Snow?" deretso nyang tanong.

"She's fine.... i hope so" may bakas ng pag-aalala ang boses ni Cy ng banggitin ang pangalan ng kapatid.

"Send me her file." 

"It's on your inbox already, i just sent it "


Maagang dumating si Snow sa meeting place nila. Sinadya nya ito upang makapag-ipon nya ng lakas ng loob na humingi ng pabor sa kikitain. Hindi sya gaya ng mga kapatid nyang maraming koneksyon, pero nasisigurado nyang matutulungan sya nito.

Pumwesto sya sa dulong bahagi ng restaurant, sa hindi kalayuan ay tanaw nya na ito, kakalabas lang nito ng sasakayan at patungo na ito sa entrance door. Sinalubong naman agad ito ng attendant at iginayak ito sa pwesto nya. Kita nya kung paano magpa cute ang attendant dito, pero para bang wala itong pakialam sa paligid at direkta lang itong nakatingin sa kanya.

Habang papalapit ito ay mas lalung naririnig nya ang tibok ng puso nya. Hindi nya alam kung saan o kung kelan nagsimula to, pero tuwing napapatingin sya sa mukha ng binata ay para bang sya lang yung taong nasa paligid. Sa tuwing nakikita nya ang mga mata nito ay para bang nahihipnotismo sya. Yung dating kabang nararamdaman nya tuwing nakikita ito ay naroon pa rin, pero may iba na itong kasama, at yung ang hindi nya mawari-wari.


"We'll call you later" baling nya sa attendant at umupo na.

Napairap naman si Snow sa attendant ng nagnakap pa ito ng tingin sa binata. HIndi nya ugaling ganun, pero bakit nakakaramdam sya ng inis sa inakto ng attendant? Yan ang ikinaiinis nyang tanong sa sarili. 

My Brothers and I!Where stories live. Discover now