Text Message

637 15 3
                                    

Hindi makatulog si Mika dahil sa sinabi at ginawa ni Kiefer nung araw na yun.

'Ganito ba talaga ang feeling pag may gusto ka ng isang tao?' Tanong ni Mika sa kanyang sarili ng paulit-ulit hanggang sa makatulog siya.

Kinaumagahan..

"Mika, bat ganyan ang mukha mo. Nagpuyat ka ba kagabi? Kausap mo yung player na kapitbahay natin? Ano nga bang pangalan niya?" Tanong ng daddy ni Mika.

"Kiefer po pa. Pero di po kami nag-usap kagabi. Hindi lang talaga ako makatulog."

"Bakit? Sa kakaisip sa kanya?"

"Pa naman. Nasobrahan lang ako sa tulog nung isang gabi kaya siguro ganun ang nangyari." Halata ng papa ni Mika na nahiya ito at kinilig.

"Ye, ingatan mo yang puso mo." Naging seryoso ang papa ni Mika. "Ingatan mo ang sarili mo. Pumili ka ng lalaki na rerespetuhin ka. Mamahalin ka gaya ng pagmamahal namin sayo o higit pa. Ikaw din naman. Wag ka magpapaasa. Wag kang gumawa ng bagay ikasasama mo sa huli."

Niyakap ni Mika ang papa niya. "Syempre naman pa. Idol ko kaya kayo ni mama. Magiging open din po ako sa inyo. Alam kong iga.guide niyo ako. Love you pa." Sabay halik sa papa niya.

Nag.breakfast na si Mika kasama ng family niya. Nag.kwento din siya ng nangyari sa lakad nila ni Kiefer. Natuwa naman ang parents niya dahil mabait naman si Kiefer.

Tumunog ang phone ni Mika. Nakita niya na may text si Kiefer.

'Good Morning! What time ka mag-jog today? Sabay tayo.'

'Morning din. Hindi ako tatakbo today. Baka mag.swim ako sa pool sa clubhouse para maiba naman.'

'Ah ganun ba. Sige samahan na lang kita. Tagal ko na ring di lumalangoy.'

'Dun ako sa pool na 10feet ah para konti yung tao. Ok lang ba?'

'Oo naman. Marunong akong lumangoy. Baka nga ma.inlove ka sakin pag nakita mo yung galing ko. Hahaha.'

'WOW!!!!!!! Ang kapal ah. Hindi ko kinaya yung confidence mo.'

'Pano pa kaya pag nakita mo na yung katawan ko. Baka bigla mo na akong sagutin. Di lang gwapo, macho pa. Hahaha'

'Parang lumalakas ang hangin. May bagyo ata. Bagyong Kiefer. Haha.'

'Haha joke lang yun Ye ah. Baka di mo na ako isama, mamimiss kita.'

Nag.blush si Mika. 'Sama pa rin kita. Basta magdala ka ng bimpo bukod sa towel mo ah.'

'Para san naman yung bimpo?'

'Para sa laway mo, baka kasi tumulo pag nakita mo na akong naka.two piece.'

'Wow. Baka dalawang towels na ang dalin ko. Baka maubos laway ko pag nakita nga kita.'

'Grabe ubos agad. Sige d na ako mag.two piece, may leggings at rash guard naman ako. Yun na lang. Hehe'

'Hala. Sige i.contain ko na yung laway ko para mag.two piece ka. Ayaw ko namang mag.diving outfit ka.'

'Joke lang. 10 ako pupunta dun. Dont worry. Di naman maaraw dahil may bubong yung pool na malalim.'

'Oo nga pala. Salamat sa concern ah. Ayaw ko kasi umitim.'

'Baka ayaw kita masunog. Maitim ka na kaya.'

'Ang sakit ah. Parang nalungkot naman ako dun.'

'Ui joke lang ulit yun.' Ten minutes na at di pa rin sumasagot si Kiefer. 'Sorry. Gwapo ka pa rin naman eh kahit maitim ka.'

'Talaga? naga.gwapuhan ka sakin.'

'Lalaki na naman ang ulo mo. Wrong move ata yun haha.'

'Nagsasabi ka lang naman ng totoo db? Kaya nga bagay tayo, gwapo ako maganda ka. Perfect Combination'

'Ako maganda? D kaya. Baka si Trinca naiisip mo.'

'Oh, pano naman nasama si Trinca sa usapan natin.'

'Maganda kasi ang sabi mo kaya siya yung naisip ko. Baka nagkamali ka lang.'

'Nagseselos ka ba?'

'Ako nagseselos? D kaya. Bat naman.'

'Halata kaya.'

'Nag-iilusyon ka lang.'

'Naku naman. Ye, maganda ka. Isa ka sa pinakamagandang babae na nakilala ko. D lang sa panlabas pati na rin sa loob. Yung ganda mo yung d ko pagsasawaang tignan at mahalin.'

Nasiyahan si Mika sa narinig niya. 'Bolero. Prepare na ako Kief. Text na lang kita pag paalis na ako.'

-sorry sa matagal na pag-update. Hopefully you like the chapter.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected Love (miefer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon