#6 @School

11 2 0
                                    

             Yun ohh!!!! ang aga namin sa room... may exam kasi, midterm na namin...... pero bago yun.... nakasalubong pala namin si Crush kanina..... naka smile sya..... ang cute nya talaga lalo pag ngumingiti.... napakaaliwalas ng mukha nya..... nag slow motion pala sya kanina with matching ayos ng buhok pataas.... haha yung parang Gerald Anderson ang peg..... hahaha ito naman mga friends ko wagas ang ngiti parang sila pa yung mas kinikilig ehh.... Tsk! basta ba 'wag lang silang mag-iiskandalo kasi talagang nakakahiya....... Yeah!! nikikilig ako......

"yun oh!! nakasalubong si Prince charming...." sabi ni Myra na naka wide smile...haha nigagaya ako.

"inspired na sya.... may exam pati tayo...." si Marie naman yan habang sinisiko ako... aba'y akala ba nya hindi masakit?? batukan ko toh ehh..

"mamaya may pan-GM na naman sya...." si Rose yan... habang hawak ang CP nya na hindi ko alam na kinukuhanan na pala ako ng picture..... Tsss... ganyan sila ka-supportive haha sarap nilang kutusan ehh... nakisabay pang mang-asar ang mga classmates ko.....

Haayy... tanungin daw ba ako ng:

"Kamusta crush mo??"

nisagot ko na lang ng:

"He's fine." with matching wide smile. ^__________^

Done ng mag-take ng exam sa 4 na subject, bukas naman yung 3 pa..... ito oh nasa coffee shop ulit kami.... gaya ng dati... nikantahan pa ako ni Myra ng.....

"everybody looks to the left... everybody looks to the right....."

lyrics yan sa kantang Pricetag... Tss.... ito talaga si Myra masyado ng namumuro...

K! K! lingon dito... lingon doon.... Waahh!! asan sya???

"Uyy!! hinahanap nya...." si Marie yan habang lingon ng lingon... aba't masyadong nagpapahalata.

"Bro, antagal mo ahh. malamig na lang yung kapeng in-order namin para sayo..." sabi nung naka eye glasses sa lalaking nakatalikod na naka black na bag na parang familiar sa'ken..... OMG!! si crush yun ahh...

"Antagal kasing magpalabas ni Ma'am...." sagot nung lalaki na familiar din sa'ken yung boses..... Kyaaahhh!! si crush nga.... boses ni crush.... ^_______^

"Whoishh..." Tss... si Marie nanggugulat.... hahaha

"Ang sabi ng wide smile??!!!" sabi ni Rose sabay higop ng kape.

" haha iba man... ahahaha" si Myra na naka headset kaya anlakas ng boses.... napalingon tuloy yung ibang customer buti na lang at hindi apelyedo ni crush ang nisabi nya.... naku lagot na kung nagka-ganun.... ayun nagtawanan na lang kami.... kunware may tinitingnan kami sa Phone ni Rose.... Hahaha ay pasaway talaga si Myra.....

Hahaha isang napakasayang maghapon..... ako + ikaw = tayong dalawa.... Ahahaha ^_____________________^ super wide smile.

****The next day XD

Hahaha last day of examination. Yun oh!! ang aking saya ay walang paglagyan.... hahaha nakasalubong ko kasi yung dating crush ko.... si James/Bimby, hahaha long time no see crush.... haha parang isang taon ko syang hindi nakita, masyado na ata syang busy saka ako din kaya hindi na kami masyadong nakakapagtambay dun sa kabilang building kung saan sya madalas dumadaan XD.....Ahhmm.., ang matured nya ng tingnan pero cute pa din naman.

By the way, kilig fever siguro talaga ngayon noh??!! kasi kanina during exam dumaan si crush... si Samante taz tumingin sya dun sa direksyon ko sakto namang nakatingin ako sa kanya sabay bawe ko... nakakahiya kasi ehh saka nagte-take ako ng exam baka sabihin ni Ma'am nagche-cheat ako.... haha ang hilig nyang mag slow motion sabay mag-aayos ng buhok pataas..... ang cute nya talaga....

"2 points...." sigaw ni Marie na hindi ko alam kong para saan yung 2 points daw ba....

"2 points na anu??" tanung ko habang inaayos ang gamit ko.

"nakita mo si James plus nakita mo si Samante equals 2 points." paliwanag nya sa 2 points na sinigaw nya kanina.

"Ahh..... haha kala ko 2 points lang yung score mo sa exam. hahaha" pang-aasar ko sa kanya.... hahaha makabawe man lang sa mga pang-aasar nila sa'ken. wahahahaha XDD

"Yun oh!! saklap naman nun... 2 points out of 65 items... hahaha re-take na yan...." pang-aasar naman ni Myra haha.

"Grabii naman... nag-review kaya ako." haha si Marie yan habang nagsusuklay....

Nakakatawa talagang kasama 'tong mga friends ko kaya love ko 'yang mga yan ehhh.... kahit na madalas sumasablay... hahaha nipapahiya ako ehh XD. 

Kung Pwede Lang ✍Where stories live. Discover now