13- Road To Our Memory

149K 4.1K 265
                                    


Alalay lamang ako sa aking pagmamaneho sapagkat sinusundan ko ang bisikleta ni Istoy na siya pa ring nagga-guide sa akin pabalik ng bahay. Sinabi ko kay Lander na kaya ko nang umuwing but he insisted that i should still go back home with the boy. Ayoko pa sanang umuwi sapagkat nagi-enjoy akong kausap ang mga matatanda but as usual dahil nasa paligid lang ang kontrabida, pinagtulakan niya na akong umuwi. Babalik na daw sila sa paggagapas kung kaya't wala na akong makakausap. I wanted to linger more time and watch what they were doing kesa mag-isa't ma-bore na naman ako sa bahay.

Hmp! Ang lalaking yun! Magkakasakit ata kapag nakikita akong masaya!

Hindi ko pa rin lubos maintindihan if why he's still treating me so coldly. Pinagbigyan ko naman ang gusto niya. Ako na ang nagpakumbaba at isinaalang-alang ang mga kondisyon niya. Pero bakit ganito pa rin ang pakikisama niya sa akin? Can't we just live together comfortably tutal andirito na kami sa sitwasyong ito? Alam ko naman kung ano ang gusto niyang patunayan sa mga katawa-tawang kondisyones niya.... na kaya niyang payukuin ang pride ng isang Anya Tejero. He did it! So ano pa bang gusto niya at uma-attitude pa rin siya?!

I was busy with my whole damn life. Minsan lamang ako magkaroon ng bakasyon, ayokong sayangin ito sa mga problema't kunsomisyon. Lander used to be a very nice guy. Can't he be his old self even just for a while? Masama bang hangarin ko na maging maayos naman ang pakikitungo niya sa akin kapalit ng napakalaki kong sakripisyo?

Binusinahan ko si Tisoy and signaled him to stop. Nakasimangot na inapakan ko ang preno at gigil na hinawakan ang kambyo. Itinabi ko ang sasakyan at inis na binuksan ang bintana. Magpapahangin muna ako ng ilang saglit bago bumalik sa aking kulungan.

Unti-unting gumaan ang aking pakiramdam nang dumampi ang sariwang hangin sa aking mga pisngi. Iginala ko ang aking mga mata at saka ko lamang na-appreciate ang kagandahan ng paligid.

Lumabas ako ng kotse.

Tumaas ang sulok ng aking mga labi. I was being surrounded by golden rice fields with grassy green hills at the end of perimeter. Pumapagaspas ang mga dahon ng mayayabong na mga punong nakahilera sa gilid ng kalsada. Bughaw na bughaw ang langit habang may makalumang saranggolang sobrang tayog ng lipad.

Mas lumaki ang aking ngiti nang mapansin ko ang magandang ulap. Those were cirrus, my favorite sort of clouds. It had unexplainable beauty that perfectly captured my heart. Para itong mga pangarap ko. Napakataas pero nakakatunaw ng puso pagmasdan. Kapag nagawa mong abutin siguro ay pwede mo nang isiping narating mo na ang rurok ng iyong buhay. Whenever I travel and see this wonderful gift of God, I always get reminded not to give up on my dreams.

I extended my arms and took a deep breath. Simula nang dumating ako dito sa Villa Rafael, ngayon ko lang ulit na-appreciate ang kagandahan ng tahimik at payapang lugar na ito. It was just like the first time I visited this place. Helping me to temporarily forget the chaotic and busy world I live in.

Nadako ang aking mga mata sa bisikleta ng kasama kong binatilyo. I got reminded how I used to roam this village using an old school bicycle.

"Istoy, pwede ko bang hiramin ang bisikleta mo?" nakangiting tanong ko.

"Ho? Eh- p-para saan po?"

"Maglilibot-libot lang ako sandali."

He lent me the bike with hesitation.

"Dito ka lang. Bantayan mo ang sasakyan. Babalik din ako agad," bilin ko.

"Huwag po kayong masyadong lumayo. Baka maligaw kayo. Mapapagalitan po ako ni Boss Lander."

"Don't worry pamilyar na sa akin ang lugar na ito. Nakarating na ako dito when I was a teenager like you."

"Ganun po ba? Sige mag-ingat na lang po kayo," napapakamot sa ulong tugon nito.

The Unreachable WifeWhere stories live. Discover now