Chapter 49

19 1 0
                                    

Chapter 49

Sam held her breath until she reached her unit. Pagkasara niya ng pinto, sumandal siya roon saka lamang nakahinga. What did she just do?! Masyado siyang nagpadala sa kanyang emosyon. Wala na siyang mukhang maihaharap kay Jeron! Hinalikan niya ito...Hinalikan niya!

She brought her fingers to her lips. It was her first kiss. The way her lips touched Jeron's was a strange, tingling, beautiful thing that only her lips could explain the feeling. Ganun pala kalambot ang labi niya, Sam concluded.

Goooosh! Nakakahiya!

Ang binata nga hanggang sa pisngi lang siya hinalikan, pero siya...sa labi mismo!

She ran for a cold water in the ref. Para siyang nilalagnat sa sobrang init ng kanyang pisngi. Inubos niya ang laman ng tumbler.

"Haaa!" Pinunas niya ng kamay ang bibig. Naiiyak siya sa naiisip niya. "Baka isipin niya liberated ako."

And the worst?

Sinakluban ng mundo ang itsura niya. "May bago na naman siyang pang-asar sa akin."

Ano nang gagawin niya? Paano niya pakikitunguhan si Jeron kapag nagkaharap na sila ulit?

"Your highness, naman!" sabi sa kanya ni Chika ng puntahan niya ito sa salon, "kung umarte ka diyan para kang sixteen."

OA ba siya? Kasi naman, si Jeron kaya iyon!

Sinilip niya ang salamin na wall ng kuwarto kung meron man nakikinig sa kanila.

"Umayos ka nga," saway ng kanyang pinsan, "hindi tayo naririnig sa labas."

Bumalik siya sa kanyang upuan. Sabagay. Tuloy-tuloy lang sa pagbibigay ng serbisyo ang mga tauhan ng salon. Hindi ang mga ito napapalingon sa kanilang sigawan.

"Pero Chika," sabi niya rito, "si Jeron. Kilala mo si Jeron."

"Si Jeron, iyong boyfriend mo na ninakawan mo ng halik," walang kabuhay-buhay na pahayag nito, "ano naman ngayon?"

Kung sa pinsan niya wala iyon, sa kanya big deal ang ginawa. Para siyang pumares kay Eba sa pagkain nito ng ipinagbabawal na bunga.

"Ay naku,Samantha. Pupusta akong tuwang-tuwa pa iyon si papa Jeron na hinalikan mo siya."

"Huwag mo na ngang sabihin yan!"

"Ang arte," Chika said, getting up from his seat. "Know what? Act normal. Huwag kang pahalatang nabaliw ka sa paghalik sa kanya. 'Pag kayo ang nagkatuluyan mas malala pa diyan ang gagawin niyo."

She instantly turned red. Walang preno ang bibig ng pinsan niya. Gosh. Kasalanan ba niyang isa siyang malinis na babae at ganun siya kung mag-react sa isang simpleng halik? She's a keeper.

"Marami akong customers," sabi nito saka binuksan ang pintuan. Sakto namang tumunog ang cellphone niya na nasa mesa. Nilingon siya ni Chika nang tingnan niya ito, "Sino yan? Si papa Jeron?"

"Hindi!" irap niya.

"OK," sabi nito saka iniwan na siya.

Her chest kicked. Bigla siyang kinabahan ng mabasa kung sino ang sender ng mensahe. Si Prynston. Tatlong araw na din niyang hinihintay ang pagtawag nito. Natulungan kaya siya nito sa problema niya?

Prynston Devil:
Where are you?

Me:
May nahanap ka? Ano?

Prynston Devil:
Where are you?

Hay. May pagkamakulit din pala ang topakin na yun. Inis siyang nag-reply. Pinapa-suspense pa lalo. Marahil ay wala siyang mapapala rito, gusto lang siyang asarin.

HIS MISS LOLLYFAT (Completed)Where stories live. Discover now