Chapter 4: Diskriminasyon

2.6K 134 0
                                    

Ase's POV

vecant time na naman namin, dito ako sa rooftop nakapwesto, ang sarap talaga tumambay dito, buti na lng may shed dito. pero madalas mas narerelax ako dito.
haistt, gutom na naman, hindi naman kase ako nakakain nang almusal. wala pa kaseng lulutuin eh. siguro after class na lng ako kakain dun sa part time job ko. makikiusap na lang ako sa manager namin na baka puwedeng makapag advance.

*kriiiiing* (bell sounds)

anu ba yan, kakapahinga ko lang tapos start na agad yung klase. makapasok na nga. para hindi agaw eksena.

sa classroom

"ok, yan na muna ang topic natin for today. next week ay final exam niyo na. kailangan magprepare na kayo, bawas muna ang laro, graduating students na kayo." sabi nung magandang teacher namin na nababaitan ako kase hindi katulad ng ibang teacher, patas siya sa mga estudyante.

"andrew, anung level ka na?" sabi nung isa kong kaklase na nakalimutan ko kung ano yung pangalan.

yung andrew ata yung pinaka famous sa skul namin, dahil bukod sa galing sa mayamang pamilya, gwapo daw sabi nila. pero tingin ko kung magaayos ako mas gwapo ako dun eh. ewan ko ba, mayaman naman sila pero bakit kailangan dito pa siya magaral.

"level 7 na ko, 3 hours lang akong nakapag palevel kagabi eh" sabi nung andrew habang nakangisi

pero mas lalong lumaki ang ngisi niya nung dumating si Jasmine, isa sa pinakamaganda sa skul namin, ang totoo, mejo nahuhumaling ako sa kanya, kaya lang hindi ako nalapit. nerd daw ako eh

mabait naman siya, kase nung minsang lumapit ako sa kanya hindi ko inaasahan na kakausapin niya ako na parang normal na tao. hindi kagaya nung ibang babae na hindi na nga ganun kaganda. ang pangit pa nang ugali. pero iba talaga siya. kaya lang hanggang tingin lang ako.

"Jass, maglalaro ka ba mamaya?" sabi nung andrew habang patakbong nalapit kay jasmin

jass???? feeling close to ah? ang lakas ng dating at tingin sa sarili. pero teka, naglalaro din siya nung freedom online? yung game na nilalaro ko? seryoso?

(another part of me)
bobo, itatanung ba niya kay jasmin yun kung hindi?

"malay mo naman,
bakit malay mo diskarte niya lang yun, tsaka kung makabobo ka akala mo napakatalino mo ah?" sabi ko habang nakatingin pa din sa kanila na naguusap.

"teka, kinakausap ko sarili ko? tsk, nerd nga ata talaga ako." wika ko dahil hindi ko naman talaga tanggap na ganun ako.

wew siyempre, halos lahat din naman gusto na ang dating niya ay napakatikas at parang knight in shinning armor tapos pinagkakaguluhan specially yung may super cool na talent.

"haistt, makapasok na nga na lang sa trabaho" wika ko habang bumababa na sa hagdan ng building namin, nasa second floor kase classroom ko, sa sunod ko na lang idedescribe yung itsura ng skul namin.

"sayang, hindi ko napakinggan kung ano sagot ni jasmine" sabi ko sabay lingon sa kinatatayuan nila.

"hmmm, walang pasok bukas, magaadict ako mamaya" dagdag pa ni ase at dumiretso na siya papunta sa trabaho niya.

makalipas ang shift ko, nakauwi na din ako sa bahay namin. sobrang bait talaga nung manager namin, nagpakain pa ng napakarami,
busog na busog ako. buti na lang nakapag hack ako ng internet modem kaya libre ang internet namin. VIP mac pa ang gamit ko kaya mabilis ang net. never mind

at kinuha na ni Ase ang game console at nagstart na ng game. pagkasuot ay pumikit na siya.

"Link Start"
...............
...............
...............

*game transporting sounds*

pagdilat ni Ase, andun siya sa pamilyar na silid, ang inn na pinagtigilan niya.

lumabas na din siya ng kwarto at nakitang medyo marami nang player ang nakapunta sa bayan na iyon

"siguro kapag umaga na madami nang player dito, kailangan ko nang lumipat ng sunod na bayan. makikipag sapalaran na lng ako." at umalis na nga siya sa bayan na iyon

Wolf's forest- nakalagay sa sign

"gue, simula na ako" at pumasok na siya sa loob ng forest.

"puro mga level 7 pataas ang mga monster dito ah? level 5 pa lang ako. kailangan magingat." wika ni ase habang tinitignan ang status niya

"huhmmm, base sa research ko, ang mga wolf dito ay aggressive at madalas ay grupo kung umatake. kailangan ko ng pang lansi sa kanila" wika ni Ase habang naghahanap ng magagamit sa paligid.

habang naglalakad lakad, nakakita siya ng isang wolf na nag-iisa, pero bago siya lumapit ay tinignan muna niya ang paligid. nang makasigurado na walang iba sa paligid inatake na niya ang wolf. at ganun nang ganun ang ginawa niya hanggang makaabot sa level 10,

nung mapansin na niyang mababa na ang bigay ng mga wolf sa kanya, lumipat na siya ng lugar. maya-maya habang naglakad siya, napansin niyang parang may iba sa paligid kaya tinigan muna niya ang mapa.

"naku lagot," wika na lang niya nang makita na nasa wolf's den na pala siya.

unti unting sumulpot ang mga monster at agad siyang sinugod ng mga ito. dahil medyo nerd nga, at addict sa game, nabasa niya pa sa isang blog ang kahinaan ng mga wolf na nasa wolfs den na ito.

meron silang weak spot sa noo nila at iyon ang dapat patamaan para mas makaincrease ng damage.

dahil naeenjoy niya ang ginagawa niya, hindi niya namalayan na lumalalim na pala siya sa den.

"haha, level 15 na ko, buti na lang may experience boost ngayong madaling araw. haha. teka, madaling araw na? hindi ko napansin ang oras" sabay tingin sa orasan niya. "1 na pala ng madaling araw. makabalik na nga para makapag pahinga." pabalik na sana siya nang biglang magrespawn ang mini boss ng den na iyon.

"ang alpha wolf" sabi ni Ase na medyo napaisip kung ano ang dapat niyang gawin.

FREEDOM Online (Virtual Game)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon