Mahal kita.

40 3 1
                                    

Hindi ko man lang nasabi na mahal ko siya. Hindi ko man lang natupad ang huling hiling niya. Hindi ko alam na ganun ako kasama. Ngayong iniwan ako, saka ako naghahanap. Noong andito siya, hindi ko siya pinapansin.

Totoo nga ang sabi nila. Saka mo lang malalaman ang halaga ng isang tao kapag iniwan ka nila at nawala sila.

Bata pa lamang siya. Para sa akin ay isa siyang aksidente. Isang aksidente na sumira sa buhay ko. Mula nang mamatay ang kanyang ina ay ako ang nag-alaga sa kanya. Ako ang umako sa lahat ng responsibilidad na dapat ang ina ang gumagawa.

Sanggol pa lamang siya noong mamatay ang kanyang ina. Namatay ito sa isang sakit at sa panganganak sa kanya. Ako ang ama, at isa iyong aksidente. Hindi ko sinasadyang maging ama.

Tinulungan ako ng nanay ko na alagaan ang bata. Tinanggap nila ang kanilang apo, pero ako hindi ko tanggap ang aking anak. Parati akong umaalis noon, nag-aaral pa kasi ako ng kolehiyo. Ang nanay ko ang nasa bahay palagi at umaalaga sa kanyang apo.

"Anak, mahalin mo naman ang anghel na ito." Sabi ng aking ina pero hindi ko siya pinakinggan. Pinasak ko lamang ang aking earphones sa aking tenga at nagpanggap na nakikinig. Ngumiti nalang ang aking ina at lumabas sa kwarto ko kasama ang batang yun.

Buwan. Ilang buwan ang nagdaan at ang batang yun ay sakit sa ulo. Iyak ng iyak tuwing gabi at kung minsan ay inuumaga ang pag-iyak nito. Hindi ko nalang ito pinansin at pinagpasesyahan kahit ubos na ubos na ang pasensya ko sa batang yun.

Naka-graduate ako ng college at nakahanap ng magandang trabaho. Limang taong gulang na ang batang yun at ang nanay ko parin ang nag-aalaga doon.

Bumukod ako at pinigilan ako ng aking ina. Dapat ay ako na raw ang mag-alaga sa anak ko dahil malaki na raw ako at tumatanda na ang nanay.

Katulad noon, hindi ulit ako nagsalita. Hinayaan ko nalang. Tumira ang batang yun sa aking bagong bahay. Pinag-aral ko pa ito at kinuhanan ng sariling yaya. Ito ang pinag-alaga ko rito.

"Daddy! Family day namin bukas."

"Busy ako. Si yaya nalang ang isama mo."

"Gusto ko ikaw. Please?"

Hindi ko siya pinansin. Patuloy na nangulit ang batang ito. Sa sobrang kulit ay nasagi niya ang aking kape at natapon sa aking mga paperworks.

Pinagalitan ko siya at sinigawan. Iyak siya ng iyak. Tinawag ko ang katulong at pinakuha ito. Napahawak ako sa sentido ko at huminga ng malalim. Kahit galit na galit ako ay tiniis ko ito.

Parating bumibisita ang aking nanay upang makipaglaro dun sa bata. Palagi akong sinasabihan ng aking nanay na alagaan at mahalin ko naman daw yung bata, dahil sa inaasta ko, halatang hindi ko raw ito tanggap. Hindi ako umangal sa sinabi ni mama, totoo naman eh.

Hindi ko talaga siya tanggap. Kahit pa anak ko siya, aksidente lang siya. Ang aksidente ay hindi minamahal, iniiwasan ito dahil ito ang sumisira ng buhay mo.

"Pa, graduation ko bukas."

Inayos ko ang aking salamin at tinapunan siya ng malamig na tingin.

"Oh? Anong hiling mo nanaman?" tanong ko at binalik ang tingin sa aking laptop at sa mga nakakalat na mga papel sa aking desk.

Parati ganyan ang batang yan. Nang tumuntong ng grade 4 ay hindi na nangungulit at sobrang saya ko nun. Nabawasan ang aking mga iniisip. Pero mula noon ay palagi itong humihiling ng mga gamit.

Mas okay na sakin yun. I can give her anything she wants, lubayan niya lang ako. Latest Macbook, latest phone, shoes, clothes, a car and skateboards. Yan ang mga hinihiling niya.

I gave her all that, may pera naman akong dahil asensado ako sa aking trabaho.

"Can you go to my graduation?" umiling ako. Bukas ang graduation niya, magtatapos na siya ng high school at tutuntong na ng college.

"I'm busy. Anything but that." Malamig na sabi ko. Malamig ang pakikitungoko sa kanya at alam kong alam na niya kung bakit. Marahil ay kinekwento ni mama ang tungkol doon.

"Sorry, I want a longboard and a new phone." Tumango nalang ako.

Tulad nang sabi niya, binigyan ko siya nun. Nagkaroon ng maliit na salu-salo na pinangunahan ni mama. Tuwang-tuwa siya dahil Salutatorian ang batang to. May ilang bisita na hindi ko kilala. Nagkulong ako sa aking kwarto at gumawa ng trabaho.

Nang malapit nang matapos ang party ay bumaba ako.

"Hi tito! Kayo po pala yung Daddy niya. Ang saya niyo naman pong maging daddy"

"Oo nga po. Palaging nagkikwento si Angel sa amin, ang sabi niya ay parati daw kayong nagba-bonding kahit busy kayo."

Nagulat ako sa dalawang babaeng lumapit sa akin. Tinignan ko si Angel na pulang-pula at pinipigilan ang kanyang mga kaibigan.

Ngumiti nalang ako.

Tumatak sa aking isipan ang sinabi ng mga kaibigan ng anak ko. Bakit siya nagkikwento ng ganun kung hindi naman totoo?

Medyo nawala ang focus ko sa trabaho dahil doon. Palagi akong napapagalitan ng boss ko dahil luting raw ako palagi. Nang matauhan ako ay inayos ko ang sarili ko at binalik ang atensyon sa pagtatrabaho.

"Anak, masyadong matagal na yun. Hindi mo parin ba tanggap ang anak mo?" tanong ni mama sa akin isang araw.

"Bakit? Hindi naman porket anak ko siya ay responsibilidad ko na siya. Malaki na siya, kaya na niya mag-isa" sabi ko.

Isang malutong na sampal mula sa aking ina ang natanggap ko.

"Ano nalang ang mararamdaman mo kapag noon palang ay hindi kita tinanggap? Masakit diba? Kaya isipin mo, kung masakit para sayo, paano nalang ang nararamdaman ng anak mo? Hindi mo ba alam na sa dinami-dami ng kanyang hiling, ang gusto niya lang ay ang makasama ka?"

Tulad ng mga sinabi ng kaibigan ng anak ko. Tumatak rin sa isipan ko ang sinabi ng aking mama. Mula noon ay hindi ko na masyadong nakakausap ang anak ko. Madaling nalang itong umuwi at kung may hiling man ito, itetext o ipapasabi nalang nito sa yaya.

Nalaman kong nabarkada ito at nagkaroon ng bisyo. Labis akong nagalit sa kanya noon dahil babae siya at masama para sakanya ang ganun.

"Kelan ka pa nag-alala sa akin?" tanong nito.

Hindi ako nakasagot. Nagalit rin ang aking ina sa akin. Doon ko lang nalaman ang aking nararamdaman at ako ay natauhan. Nalaman ko mula sa aking ina na namana ng anak ko ang sakit ng kanyang ina, ang namatay kong girlfriend. Labis ang aking pagsisisi.

Pinuntahan ko siya sa bahay at hindi na ito humihinga sa kanyang higaan. Ang sabi ni mama ay hindi na raw siya magising.


Kung alam ko lang ay sana noong sanggol pa lamang siya, ako na ang nag-alaga sa kanya. Sana ako ang tumabi sa kanya tuwing pagtulog niya noon. Sana palagi akong pumupunta sa family day sa school nila. Sana pumunta ako sa graduation niya at nakilala ang mga kaibigan niya. Sana pumayag ako noong inaaya niya akong magbakasyon sa isang isla. Sana ako ang nasa tabi niya noong unang beses siyang dinatnan. Sana sa akin siya nagkikwento tungkol sa mga crush niya. Sana naging isang mabuting ama man lang ako sa kanya. Sana nakinig ako sa aking ina.

Sana tinupad ko man lang ang huling hiling ng aking anak. Ang mahalin at matanggap na siya.


"Angel, mahal kita."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 29, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Huling HilingWhere stories live. Discover now