Prologue

9K 150 2
                                    

HINDI mapigilan ni C.C na mapabulanghit ng tawa dahil sa sinabi ng kaibigang si Alice. Nan'don sila sa lugar na paborito nilang tambayan sa buong university. Hinihintay nila ang isa pa nilang kaibigan na si Nia. Habang naghihintay ay ginagawa nila ni Alice ang paborito nilang libangan. Ni-re-rate nila from one to ten ang lahat ng lalaking nadaan. One being the lowest and ten being the highest.

Tawa siya nang tawa dahil sobrang galing kasing manlait ni Alice. Lahat na lang ng lalaking dumadaan ay nilalait nito. Tingin tuloy sa kanila nang tingin ang mga tao sa paligid. Lahat ng mga tao na nahuhuli niyang nakatingin sa kanila ay nginingitian niya ng nakakaloko. Hindi naman kaila sa kanya ang taguring binigay sa kanilang magkakaibigan ng mga kapwa nila estudyante.

The three spoiled princesses.

Dahil only child silang tatlo at galing pa sa mayayamang pamilya, kaya naman nasanay sila na nakukuha ang lahat ng magustuhan. Masasabi niyang si Alice ang pinakamaldita sa kanilang tatlo. Wala kasi itong pasintabi kung manlait ng ibang tao at kapag hindi nito nagustuhan ang ginagawa mo tatarayan ka talaga nito ng todo-todo. Si Nia naman ang pinakatahimik sa kanila. Hindi ito magsasalita kung hindi mo kakausapin at napakadalang pa na makakuha ka ng response mula dito. Sila nga lang atang dalawa ni Alice ang kinakausap nito ng matino.

Sa tingin nga niya ay siya na ang pinakanormal sa kanilang magkakaibigan. Nagtataray lang siya kapag kailangan. Pero nagagalit talaga siya ng husto when other people talked behind their backs. Ni wala man lang lakas ng loob ang mga ito na komprontahin sila tapos ang kapal ng mukha ng mga ito na pagtsismisan sila. As if all of them were perfect and the three of them were nothing but shits.

Inilibot niya ang paningin sa paligid at nahagip ng kanyang mga mata ang isang lalaki na nakaupo sa ilalim ng puno ng mangga di-kalayuan sa kanila. Simpleng puting t-shirt at kupas na maong pants lamang ang suot nito pero hindi natakluban no'n ang taglay nitong kagwapuhan. Itim na itim ang buhok nito and even from this distance, she could see how prominent his nose and cheekbones were. If only she could see his eyes. Nakatungo kasi ito at nagbabasa ng libro.

"Hey, Alice, how about that guy?" aniya sabay turo sa direksyon ng lalaki.

Sinundan naman nito ang tingin niya. "Well, yeah, he's cute but that guy's no good."

Nagtaka naman siya sa sinabi nito. "Bakit naman?"

"I saw him alone in the cafeteria the other day and I kind of flirted with him. Pero alam mo ba ang ginawa niya? He ignored me! The nerve of that guy. Sobra akong napahiya."

Natawa naman siya sa sinabi ng kaibigan. "He ignored you? Really? That guy must be something."

"No, I think he's gay."

"Bitter ka lang kasi hindi ka niya pinansin." Binalik niya ang tingin sa lalaki. "Nakuha mo ba ang name niya?"

"No, but other people call him Zero. It's kind of a name play from his surname. Masyado kasi yatang mahirap bigkasin ang first name niya."

"What do you think if I flirted with him?"

"Don't bother. Kung ako nga hindi pinansin, ikaw pa kaya?"

Pinanlakihan naman niya ito ng mga mata. "Hoy Alice Saavedra, kung looks lang din ang pag-uusapan hindi naman ako pahuhuli sa 'yo. At isa pa, di hamak naman na mas charming ako sa 'yo no."

"Cashmir Crysallis Lim, hinahamon mo ba ako?" wika nito na binuo na ang pangalan niya.

"What do you think?"

"Then do you want to make a bet?" paghahamon nito.

"Ano namang klaseng pustahan?"

"Kapag naging boyfriend mo ang Zero na 'yon then I'll give you anything you want. Pero kung after one month at hindi mo pa rin siya nagiging boyfriend then I want you to give me that pearl earrings na matagal ko nang hinihingi sa 'yo. Okay ba 'yon?"

"One month? That's too short." Reklamo niya dito.

"Fine, then two months."

Nag-isip muna siya at isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi. "You got yourself a deal."

Hindi na nila napansin ang paglapit sa kanila ni Nia. "Hey, what's happening here?" tanong nito sabay upo sa upuan na nasa tapat nila. "Did I miss something?"

Nagkatinginan sila ni Alice bago sabay na nagwika, "A lot!"

Betting Hearts: Memories in the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon