Kabanata 17

20.8K 437 14
                                    

Kabanata 17

 

Ameren's POV

Nakaidlip nga ako tulad ng sinabi nya at hindi ko na alam kung saan kaming parte ng manila o kung nasa manila pa nga ba kami.

Tinignan ko sya habang nag da-drive hindi nya ata napansin na gising na ako. Nakatukod ang braso nya sa bintana habang nakahawak sa labi nya at pinaglalaruan eto. He looks hot while doing that.

Ginawa kong unan ang braso ko at tumingin sa kanya. Napansin nya ata na nakatingin ako sa kanya kaya sinulyapan nya ako at nginitian. We didn't talk I just stare at him at sya naman ay busy sa pagmamaneho.

"We're here."

Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa ganda ng lugar. Nasa isang malapit sa burol kami at ang daming tanim na sunflower sa paligid lalo na sa gilid ng daan papunta sa taas ng burol.

The place is extremely beautiful. Hindi ko ini-expect na meron pa palang ganto kagandang lugar. This place is heaven! Napaka peaceful ng lugar parang ang sarap tumira sa ganto.

"Wow! How did you know about this place Phoe? This is paradise!" Hindi ko mapigilang hindi sabihin sa kanya. I love flowers and I am very pond of sunflowers.

Nilingon ko sya at nakangiting lumapit sya sa akin at inakbayan ako.

"I'm glad you like it. This place is yours honey. I bought it for you cause I know how much you love flowers and sunflower is your favorite right?" Hindi ko inintindi ang una nyang sinabi.

Para akong nabingi sa huli nyang sinabi. "What do you mean I own this place? And you bought it for me? No I can't take it. This is too much." Umiling iling pa ako sa kanya.

I know how rich he is at para sa kanya barya lang 'to pero hindi ko pa rin matatanggap 'to. Masdong mahal etong regalo nya.

Kumunot ang noo nya at saka sumimangot. "I already bought this Ameren at nagpunta tayo rito to have fun and date not to fight. Take this as a token of appreciation for loving my daughter and for being an understanding girlfriend. Please."

Parang may tumusok sa puso ko. Dahil lang duon? Pumikit ako para iwaksi ang disappointment na nararamdaman ko at sakit. Pilit akong ngumiti sa kanya to hide my feelings.

"Then fine. May magagawa pa ba ako." Nakangiting sabi ko sa kanya. I am good at hiding my feelings. Na master ko na ata 'to dahil sa pagmamahal kay Phoenix ng palihim.

Mahirap talaga magmahal ng taong hindi ka mahal dahil minsan harap harapan ka nang nasasaktan hindi mo pa masabi sa kanya ng harapan. Bakt ganun ang maldita ko sa iba at nasasabi ko lahat ng gusto kong sabihin pero kay Phoenix hindi ko masabi na mahal ko sya. I am chickening out kada itatry kong sabihin sa kanya.

Magkahawak kami ng kamay habang naglalakad papaakyat sa maliit lang na burol. Pilit kong inalis muna sa isip ko kung ano man ang sakit na nararamdaman ko gusto kong I enjoy ang ganda ng lugar na 'to.

Nakakamangha pala sa itaas kasi makikita mo ang kabuuan ng lugar. Pero ang mas nakakamangha eh ang nakalatag na picnic mat pati na pagkain meron pang tent para hindi kami masydong mainintan.

"Happy 8 monthsary honey. I'm sorry kung advance natin icecelebrate busy ang sched ko next week ang daming meetings baka wala na akong time to celebrate with you kaya inadvance ko na."

Okay nalulusaw na naman ako haha! Phoenix stop making me love you so damn deep baka hindi na ako makaahon!

Kahit ako natatakot na sa nararamdaman ko dahil pakiramdam ko parang may hindi na tama rito.

Intoxicating Love (Completed)Where stories live. Discover now