Troy

16 0 0
                                    

Si Troy naman ang bestfriend ni Carla. Dati, kami ang laging magkasama ni Carla tuwing matatapos ang klase. Pero nu’ng nagkakilala sila, unti-unti nang lumayo ang loob sa’kin ni Carla. Si Troy na ang lagi niyang pinupuntahan sa classroom tuwing recess, lunch break, at ano pang oras na puwede. Nu’ng minsan nga sa sobrang miss ko na si Carla, ako na mismo ang pumunta sa classroom nila para yayain sana siyang gumala muna kahit saglit lang. Pero nu’ng pagkarating ko sa classroom nila, “Uy Mike, nasa’n si Carla?” “Ay nako Jake, huli ka na. Umalis na. Nagpunta yata sa may basketball court.”

Ouch, ang sakit. Si Troy na naman. Bakit ganu’n? Tatlong taon na kaming magkaibigan ni Carla tapos kakalimutan o ipagpapalit niya lang ako sa taong nakilala niya ng halos tatlong linggo pa lang?

Palibhasa kasi gwapo, matangkad, maputi, at matangos ang ilong ni Troy. ‘Yung tipong maiinggit ka at mambababa ang tingin mo sa sarili mo ‘pag nakita mo siya. Oo, alam ko ang O.A. pero ganu’n ang nararamdaman ko. Si Carla talaga, umiiral na naman ang pagkatanga pagdating sa lalake. Nandito naman kasi ako, ayaw lang niyang tumingin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 16, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm OkayWhere stories live. Discover now