AUGUST 2 - mimhytot's Character Interview

13.5K 350 56
                                    


INTERVIEW WITH MR. JACK DARYL FROST


Frost Group of Companies

FGC Tower, Makati City

July 19, 2019, 9:00am

Interviewer: Ms. Mimi Bernal (from WP Publishing Inc.)


"Bago ang lahat, gusto ko munang magpasalamat at nabigyan mo ako ng chance mainterview ka kahit na napakabusy mo lately. Ako nga po pala si Mimi Bernal, leader po ako ng fans club mo noon he-he." Bati ko sa kanya at saka inabot ang kamay ko para makipagshake hands.

Bumaba ang tingin niya sa kamay kong inaabot sa kanya. Matagal niya lang tinitigan ito at tila nandidiri siya sa paraan ng pagtingin niya sa kamay ko. Unti-unti ay saka ko lang narealize na ayaw nga pala niyang hinahawakan siya dahil baka malagyan siya ng germs! Uhhh! Nakalimutan ko! Proud na proud pa naman akong pinakilala ang sarili kong leader ako ng fans club niya! Huhubells!

Pasimple siyang tumingin sa relos niya kaya agad-agad akong naconscious sa oras. Oo nga pala! Binigyan nga lang pala niya ako ng 20-30 minutes na panahon para interviewhin siya. Hindi na nga pala siya gangster at isa na siyang kilalang-kilalang tao ngayon na hindi pu-pwedeng mag-aksaya ng oras.

Sinimulan ko nang paandarin ang recorder ko at tiningnan ang mga tanong na inihanda ko para sa kanya. Mag-uumpisa na sana akong magsalita ulit pero natigilan ako nang bigla siyang magsalita.

"Only one favor. No business related questions, please."

Halos sumayad na ang baba ko sa sahig dahil sa sobrang pagkakanganga ng bibig ko nang marinig ang salitang please mula sa kanya. Ibang klase! Napakalaki na pala talaga ng ipinagbago niya. Professional na talaga siya.

Sabagay, nang dumating siya kanina ay halos hindi ko na siya makilala dahil sa napaka-pormal na itsura niya. Nakasuot siya ng itim na suit at may bitbit-bitbit pa siyang itim na briefcase. Maging ang buhok niya na dating kulay gray ay itim na ngayon. Malayong malayo na siya sa Jack Frost na nakilala ko na isang gangster.

"Oh, don't worry, Mr. Jack Frost, I know you're already sick with those types of questions." Sagot ko sa pabor na hinihingi niya.

"Perfect," tila nabunutan ng tinik na sagot niya.

"All right. I think we're good to start now, so here's the first question..." tiningnan ko ang unang tanong sa papel na hawak-hawak ko bago ibinalik ang tingin sa kanya. "Hanggang ngayon ay malaki pa ring misteryo sa mga fans mo ang biglaan mong pagkawala. Maari ba naming malaman kung anong dahilan kaya bigla ka na lang umalis ng bansa?"

Matapos kong itanong sa kanya ang unang tanong na nagawa ko ay kaagad na nagbago ang timpla ng mukha niya. Halatang hindi niya inaasahan na ganitong bagay ang itatanong ko sa kanya. Kahit ako, nang mabasa ko ang mga tanong na inihanda ng Editor-in-chief ng publishing company na pinagtrtrabahuan ko ay kamuntikan na akong uminom ng lason.

Nakilala ko si Jack Frost dahil sa mga bali-balita noon tungkol sa kung gaano siya kabrutal na gangster at alam kong kapag pumayag siya sa interview na ito at itinanong ko ang mga inihanda nilang tanong ay alam kong hindi na ako makalalabas pa ng office niya ng buhay. Kung bakit naman kasi sinabi ko pang leader ako ng fans club niya dati! Ako pa tuloy ang napiling isagawa ang interview na 'to na siyang magiging issue sa magazine na ipupublish namin ngayong September.

Muntik na akong mapatalon sa kinauupuan ko nang saglit siyang kumilos para luwangan ang necktie niya. Akala ko ay ihahampas na niya sa akin ang lamesa! Para akong inaapuyan ng buhay sa kinauupuan ko dahil sa tagaktak na pawis ko. Wala na bang ilalakas ang aircon ng office niya?

The Wattpad Filipino Block PartyUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum