Chanyeol 14

3.6K 138 61
                                    

Mabilis lumipas ang araw. Lumipas na ang isang linggo. Kami na ni Chanyeol. Biruin mo 'yon? Kami rin pala sa huli. Hanggang ngayon nga hindi pa rin ako makapaniwala na nasa'kin na si Chanyeol eh. Parang dati lang kasiㅡtinitignan-tignan ko lang siya sa malayo. Pero ngayon? Nayayakap ko na siya. Nahahawakan ko na siya. Lahat ng gusto kong gawinㅡnagagawa ko na sakanya.

Simula ngayonㅡako lang ang titignan niya. Ako lang ang sasabihan niya ng I love you. Ako lang ang kakandong sa hita niya. Ako lang ang yayakap sakanya nang mahigpit. Ako lang ang magchi-cheer sakanya kapag may basketball. Ako lang. Ako lang ang gagawa non.

"B naman! Hindi ka nakikinig eh!"

Nabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang boses ni Chanyeol.

"A-ano nga ulit?"

"Wala. Nakakainis naman!"

Natawa ako.

Napaka-cute talaga oh.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. "I love you, Chan! 'Wag ka na magtampo. Ano ba kasi 'yon?"

Ang loko. Nag-pout lang. Kaya namanㅡkinurot ko ang lips niya. Baka ma-rape ko 'to nang wala sa oras eh.

"Sinasabi ko yung mga plans natin kapag naka-graduate na tayo." Meron siyang pinakita sa'kin na notebook.

Tinignan ko 'yon. Nagulat ako dahil ang daming nakasulat. Pero ang pinaka-natawa talaga ako yung nasa pinakahuli.

[] Kailangan pagdating natin ng 24ㅡikakasal na tayo.

"Bakit ka natatawa? Para alam mo. Mahirap na baka mamaya bigla mo 'kong takbuhan. Mapabilang ka sa mga runaway brides."

Lalo naman akong natawa.

"Husband akoㅡtanga!"

"Eh gusto ko bride eh. Tsaka mukha ka ngang babae eh. Baka nga nagpapanggap ka lang na lalaki."

Binatukan ko naman siya. "Hindi ha? Lalaki ako. Mukha lang talaga akong babae. Dyosa ko 'diba?" Kinindatan ko siya.

Natawa naman siya. "Oo na. Dyosa ka na."

"Yie. Ganda-ganda ka naman sa'kin."

"Aba oo naman. Sobra." Lumapit siya sa'kin tapos niyakap ako. "I love you, B."

Niyakap ko din siya. "I love you too, Chan."

"Aray naman! Bakit mo ba ako hinahampas?!"

Napalingon kami ni Chanyeol sa dalawaㅡwhich is si Sehun at Luhan. Magkatabi sila ngayon sa sofa. Nandito kasi kami sa bahay nila Kyungsoo. Merong sariling upuan si Kyungsoo. Nakalabas na siyaㅡkahapon lang. Medyo nakaka-recover daw siya kahit pa-pa'no. Hindi na daw masyadong malala ang sakit niya.

Effective talaga kapag nasa tabi niya si Jongin.

"Ang dami kasing langgam!"

"Asa'n ang langgam?! Wala naman eh!"

"Tss! Napaka-slow!"

Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga 'tong kambal ko oh.

"Bakit 'di mo na lang kasi sagutin 'yang si Sehun, Luhan?" Sabi ni Chanyeol.

Tumaray naman si Luhan. "Eh hindi nga nanliligaw eh."

"HINDI NANLILIGAW?! ANO BANG KLASENG LIGAW GUSTO MO?! YUNG TIPONG TATALON AKO SA 10TH FLOOR PARA LANG IPAALAM SA'YO NA SERYOSO AKO?!"

"Oh pare chill ka lang.." Sabi ni Jongin tapos hinagod pa ang likod ni Sehun.

"Sorry dudeㅡnadala lang."

Si Park Chanyeol (Chanbaek Fanfiction)Where stories live. Discover now