Lay's POV

Naghihintay ako sa baggage claim area ng Incheon Airport. Para kunin ang mga gamit na dala ko.

Nang makuha ko ang mga bags ko at isa pang maliit na maleta, binuhat ko na ang bag at hinila ang maleta.

Tinulungan naman ako ng ibang staff na kasama ko, pati ng assistant ko, nag insist ako na ako nalang dahil kaya ko naman, pero kinuha parin nila ang maleta at ang isa ko pang bag, ang backpack ko lang ang natira sa akin.

Tanaw ko na ang mga tao sa pinto ng airport kahit malayo palang ako.

Media, mga fans, at airport security.
Nang marating namin ang pinto ng airport, mas lalong naging maingay ang madla.

May mga kumukuha ng pictures, nagpapa autograph, mga reporter na nagtatanong.

Lahat sila ay binigyan ko ng matamis na ngiti, kahit siksikan papunta sa van sa dami ng tao, di ko iyon alintana. Nag bow ako sa mga fans, nagpasalamat sa kanila at kung gusto nila magpakuha ng litrato ay pumapayag ako, kahit na alam kong time consuming iyon, wala akong pakialam.

Sinagot ko ang mga tanong ng media sa akin, regarding sa projects ko sa Beijing, sa studio ko, shows, sa EXO, rumors, at kung ano pang mga bagay.

Pero nung marating na namin ang van, may isang reporter na nagpahabol pa ng tanong tungkol sa isang rumor.

"There are photos that has been released by an unknown source in China that involves you and your Co-actor in your latest romance movie. It has been circulating in the internet. Are you and Miss Lina Qieng dating?" Tanong ng babaeng reporter sa akin.

Ngumiti ako at sumagot sa kanya.

"No, me and Lina are friends. Natural lang naman siguro na magkaroon ng bonding with my co-stars in the movie. Wala naman sigurong masama dun." Mahinahon kong sagot.

"No one special in your heart Mr. Zhang? We all know you are all out with your career, pero wala bang special someone?" Muli pa nyang tanong.

Meron nga ba? Biglang sumagi iyon sa isip ko.

"Meron." Tipid kong sagot sa kanya. Pero bago pa sya ulit makapag tanong, dinugtungan ko na ang sasabihin ko.

"Ang mga Xingmis, EXO-L's, EXO at ang pamilya ko at mga kaibigan, sila ang special someone ko." Nakangiti kong sagot.

Muli akong nag bow sa lahat at kumaway bago sumakay ng van.

Nang makaandar na ang kotse at makaalis ng Airport, sumandal ako ng maayos sa upuan at napa buntong hininga.

Special someone? I thought to myself.

Bumalik ako sa ulirat ng marinig ko ang pag tunog ng telepono ko.

Si Mama.

Sinagot ko naman agad ito.

"Hello, Ma?" Pag bungad ko.

[Yixing anak, nakarating ka ba ng maayos? Kumusta ang byahe nyo?"] pagtatanong agad ni mama.

Napangiti ako, napaka maaalahanin ni mama.

"Opo, maayos naman po. Namiss mo naman ako agad mama." Pabiro kong sagot sa kanya.

[ikaw pa, syempre naman anak, palagi naman yun. Kahit na madalas naman kitang nakakasama namimiss parin kita.] sagot naman nya sakin.

"Namimiss ko rin kayo lahat dyan ma," then there is an awkward pause between us.

[Anak, yung sa sulat ni --]

I cut her off at inunahan sumagot.

"Ma, that was almost 8 years ago. Ok lang ako, she moved on maybe, and i moved on too. What matters most is yung present ma."

[Basta anak, andito lang kami ha? Mahal na mahal ka namin] sagot ni mama, her voice was warm and comforting. Kahit pano nabawasan ang bothered feeling na meron ako.

Nagpaalam na ako at binaba ang tawag. Sumandal ako at ipinikit ko ang mga mata ko.

Hay, ganito nalang nga siguro.

Pero alam ko, naniniwala kong may chance pa.

May chance pa tayo Leny.

My Answer Is You [EXO LAY SHORT STORY: MISSING YOU]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon