Chapter 3 - Visitor

1.1K 32 7
                                    

Eto na guys. Sorry kung natagalan, busy e.



ENJOY!

*****


"Akemi's P.O.V"


Nandito kami ngayun sa Technology Department at sobrang busy nilang tatlo, ay mean sila Sir Hayate, Sir Hiroshi at Ms. Reina kaya naiwan kaming anim ditong nakatayo at pinag mamasdan lamang sila. Pagkadating na pagkadating kasi naming lahat dito. Sila Sir Hayate at Sir Hayate ay bigla nalang napatakbo sa isang section ng lab kung saan nakapatong daw ang mga bagong gawang weapons at nagkatinginan pa sila.

The same expression noong dumating silang tatlo sa agency kaninanina lamang. Pagkadating kasi sa agency nila Sir Hayate hindi mapinta ang mga mukha nilang tatlo na para bang nakakita ng multo.

Ngayun, pa balik-balik si Sir Hiroshi doon sa malaking table na kung saan nakapatong ang mga bagong weapons na ginawa niya at doon sa big touch screen na puro circle at may kung ano anong weird na guhit at wiggly arrows na naka point sa iba't ibang direction at may nakasulat doon na hindi ko naman alam kung ano ang meaning dahil nakasulat ito sa iba't ibang lengguwahe, ni zoom in at ni zoom out niya ito ng paulit-ulit at may kung ano ano pa siyang pinagpipindot doon.

Sunod niyang pinindot 'yung parang hugis tatsulok na may picture sa gitna ng isang sword. Pagkatapos niyang gawin 'yun bumalik na naman siya doon sa malaking table at may lumitaw na dalawang hologram ng espada. Nang hinawakan niya 'to nawala yung hologram at na paltan ng dalawang tunay na espada.

Sa pagkakaalam ko Katana ang tawag dito. Pero habang tinitigan ko ng mabuti 'yung katanang hawak hawak ni Sir Hiroshi bigla akong may naramdamang kakaiba. Kaya na patingin ako sa likuran ko.

"This sensation..."

"Nee-chan ayos kalang po ba?" Napatingin ako kay Riye and at the same time nawala din 'yung kakaibang sensation na naramdaman ko kanina. Bumuntong hininga nalang ako maybe I'm just stressed out kaya kung ano ano na ang iniimagine ko. Nginitian ko na lang si Riye para malaman niyang ayos lang ako. Binalik ko ulit ang tingin ko kay Sir Hiroshi pero hindi na niya hawak yung Katana at nasa harapan nanaman ulit siya ng Screen.

Sunod kong tinignan yung ginagawa ni Sir Hayate. Tinetesting niya ang mga ginawang weapons ni Sir Hiroshi. Habang si Ms. Reina naman ay nakatayo lang malapit sa kung nasaan si Sir Hayate at nakapikit na para bang pinakikiramdaman ang paligid nito. Nabaling ang attensyon ko kay Akane at Riye ng mag tanong sila.

"Sir bakit tayo nandito?"

"Oo nga po, sabi niyo may sasabihin kayo saamin diba?" dagdag ni Akane sa sinabi ni Riye, ang lokong Ken ginayagaya ang mga ginagawa ni Akane kaya ayon nagrambulan nanaman sila. Huminto din naman kaagad sila ng umubo ng sadya si Hiro.

Napahinto sa ginagawa si Sir Hayate at tumingin saamin na nakaabang sa sasabihin niya. Kung kanina nababasa ko yung mga iniisip nila ngayun hindi ko na magawang mabasa pa. Inayos niya muna ang salamin niya bago kami sagutin.

"Change of orders."

"It's his orders right?" napatingin kaming lahat kay Hiro sinong his naman ang sinasabi nito?

'Your Father'

Ok muntik ko ng makalimutang nababasa niya pala mga iniisip namin. At paniguradong alam na niya yung ibinigay na utos ni papa kila Sir Hayate.

"How I wish I can read his mind."

"Nee-chan." Napatingin ako kay Riye.

"Bakit?"

T R A P P A (On-hold)Where stories live. Discover now