Confession Twenty-four: Excuses

7.6K 158 4
                                    

Confession Twenty-four: Excuses

Zia

Magulo ang utak ko. Sobrang gulo. Bumaba ako ng hagdan at hinanap ulit 'yong matandang kausap ko kanina. Nagpaalam ako na aalis na ako. Hindi na ako tutuloy sa dinner na sinasabi ni Geoff. Hindi ko siya kayang makaharap ngayon. Hayop siya. Ginawa niya akong laruan!

So, totoo nga? Totoo nga ang hinala ko, na may relasyon sila no'ng babaeng nakita ko na kasama niya noon? Akala ko wala lang 'yon, kasi parang hindi naman siya bothered kapag tinatanong ko about do'n. Tangina, sanay na sanay pala siyang magdeny. Napaniwala naman ako.

Pero honestly? Hindi ako galit kay Geoff eh. Galit ako sa sarili ko, kasi I already saw this coming. Pero I just let myself to be his victim! Kaya nga ako lumalayo noon eh. I don't want to get attached by him. Pero huli na. I fell on his trap.

Nagmadali akong maglakad at naghanap ng masasakyan palayo do'n.

"Excuse me, Ms. Evanson. Where are you going? Mr. De Mayor is on his way to see you here." Hinarang ako ng isang guard na nagbabantay sa gate

"I don't fucking care! Just fuck off! Don't block my way!" Sigaw ko sa kanya

Tinulak ko pa siya para makadaan ako. Tumakbo na ako as soon as got a chance. My knees suddenly felt weak. Nadapa ako at nasubsob sa isang tambak na tuyot na dahon. Kahit masakit ang pagkakasubsob ko, pinilit ko agad na bumangon.

"Ang sakit! Tangina naman eh! Ang sakit no'n eh!" Reklamo ko habang pinapagpagan ang katawan ko

Pinunasan ko ang luha na tuloy-tuloy na sa pag-agos sa mukha ko.

"Oh? Iiyak iyak ka ngayon? Eh alam mo naman na ganito na ang mangyayari sayo kapag naniwala ka sa mga salita niya eh! Tapos iiyak ka ngayon? Siraulo ka palang babae ka eh!" Sigaw ko sa sarili ko

Oo, pinapagalitan ko ang sarili ko. Kung kaya ko nga lang saktan at bugbugin ang sarili ko, baka ginawa ko na ngayon. I need to learn a lesson.

*

Geoff

I went home as soon as I heard to one my maids that Zia arrived early in my house. Natuwa ako. Gusto ko siyang makasama. Thank God, pumunta siya sa bahay. Akala ko kasi, ayaw niya eh, dahil nga do'n sa rules niya.

Pagdating na pagdating ko, hinanap ko agad si Zia sa bahay.

"Zia?" Sigaw ko agad

I could hear my voice echoing, dahil tahimik dito.

"Sir! Umalis po si Ma'am!" Natatarantang sabi ni Manang Myrna na tumakbo pa papunta sa'kin

"Paanong umalis? Eh may usapan kami. Pinapunta ko siya dito." Sabi ko

"Nagmamadali pong umalis kanina eh. Nagpaalam lang po sa'kin na aalis siya, pero hindi po niya sinabi kung bakit. Pasensya na po, Sir." Paliwanag ni Manang Myrna sa'kin

Napakamot ako sa ulo. Tinopak na naman ba 'yon si Zia? Paano ko malalaman kung saan siya nagpunta? Eh wala namang cellphone 'yon ngayon? Damn! Nagmadali ulit akong lumabas ng bahay at sumakay sa kotse ko. Siguro naman nando'n siya sa Apartment niya? I need to see her. Bakit bigla siyang umalis? Maaga nga siyang dumating sa usapan, kaso umalis na naman? Ano'ng problema no'n? Hindi niya kaya nagustuhan ''yong bahay? Baka hindi niya nagustuhan ang design? Lintek! Hindi naman ako manghuhula para hulaan kung bakit umalis si Zia eh. Tsk.

"Zia?!" Sigaw ko as soon as I entered her Apartment

Pero wala. Walang sumasagot, at kahit anino niya, wala. I tried to wait. Akala ko kasi dadating din siya after few minutes. But I was wrong. Ilang oras ang lumipas, hindi siya dumating. Hindi siya umuwi. And there I was, still waiting for her.

Confession: Make her mine. (COMPLETED) #Watty2015Where stories live. Discover now