Meet Raven Black

1.1K 5 1
                                    

Meet Raven Black
Written by: hiddenmaiden
Language: Taglish

Sino ba si Raven Black? Ano ba ang pwedeng mangyari 'pag nakasalubong n'yo siya?

Ang intense na ng simula ng kwento. Ganun agad ang eksena? Nakakatakot naman pala itong si Raven Black eh. Aniya kasi, " I show no mercy. I fear no one." Jusko! Sino bang 'di mawiwindang sa mga katagang iyan. Umiiwas na ang mga kalalakihan kapag paparating na itong mga Black Brothers. Mahal pa kasi nila ang mga buhay nila.

Kilala si Raven Black na lider ng kanilang grupo na kinabibilangan din ng kanyang mga pinsang sila Ryker Black, Raidon Black, Rheus Black at Reese Black. Equally handsome silang lima na may iba't ibang katangiang tinataglay. Mas kakaiba lang itong si Raven. Hahaha... No doubt kung bakit siya ang ginawang lider ng kanilang grupo. Ano kaya ang mangyayari kapag nakilala niya si Nami o Manami Fukushima in short? Hahaha. Abangan n'yo iyan mga dears.

Ang hirap ipaliwanag ang feels ko habang binabasa ko ang kwentong ito noon. Mixed emotions. Marami ring mga twists ang kwento - may makikilala, may matutuwa, may mababago ang buhay, may matututong magmahal, may aasa at ang nakakadurog ng puso ay may aalis at may maiiwan. Huhuhu. Kayo na ang tumuklas sa mga bagay na iyan. Paano iikot ang kwento sa buhay ng mga Black Brothers at ni Nami?

Yung mga hindi mo ini-expect na mangyayari ay mababasa mo sa Book 2. Swear ang daming panggulat dito at talagang mapapatulala ka nalang sa mga eksena. Nag-evolved din ang mga karakter sa book 2. Kung ako sa inyo, babasahin ko na ito.

P.S.: Published book na ito under LIB pero nasa Watty pa rin ito.

P.P.S.: Book 2 entitled 'MRB II: Come Back To Me'. Soon to publish na rin under the same publication.

RECOMMENDED STORIES IN WATTPADWhere stories live. Discover now