Kailan kaa iikot ang gulong ng kapalaran
Pakiramdam ko lahat salungat, kalaban
Puso ko'y nababalot ng kalungkutan
Sinugal ang lahat para sa pagmamahalan
Ngayo'y katumbas mahabang pag-iyak
Pag-iyak, at paglulukasang payak
Para mo akong tinarak ng tabak
Sa kamatayan ng puso't kaluluwa'y tinulak
Sa mundong mabilis ang pag-ikot
Walang lugar ang wagas na paglimot
Kundi Maiiwan lalo't magsisi sa poot
Pagharan sa damohan, paghabol sa laot
Kaluluwa'y mahapis man sa iyo
Paglipas ng panahon, unti unting naglalaho
Kahit madapa hindi iiyak, kahit gumuho
Sa paglipas ng panahon lilimot at magbabago
HIndi titigil ang buhay sa iyo
Ngayon maituturing na pareho
Sawi sa pag-ibig ikaw at ako
Salamat buhay ko'y nabago mo
Sa aking pagiisa mas minahal ang sarili
Pinaunlad, pinagyamang dili
Oh pag-ibig kahit masawi
Ako'y muling susubok tulad ng dati
Ngunit aral mo'y bitbit sa puso'yt isip
Maingat sa bawat hakbanging pasilip
Nawa kasiyahang dulot moy muling masilip
Nang puso'y humilom ng tuluyan
----------------------
Nagustuhan nyo ba? tula ko yan para kay shee..
ORIGINAL composition ni author..hehehe
"Dahil ikaw pa rin ang hanap ng pusong ligaw ikaw ang patutunguhan at pupuntahan. Pagibig mo ang hanap ng pusong ligaw Mula ngayon bukas at kailanman"
Hellow dear reader.. kao pala yan.. sorry mejo natagalan ang update ko..
Umuwi kasi ako ng province... para umattend ng graduation ng aking dear brother.
Pasensya na nga pala sa aking sintunadong boses...
Hahaha, oo ndi maganda ang boses ng author... hindi maganda ang boses ni rain.. hahaha...
Pero today., balikan natin ung story..
Ung Rain na character ng kwentong ito...