Run devil run

8K 109 19
                                    

"Mahal kita Ash"

Tuluyan na akong napahiga sa sahig nakita ko nalang na tumatakbo palayo si Ash.

Ito na ba?

Katapusan ko na ba?

napangisi nalang ako at nawalan ng malay.

Minulat ko ang mata ko dahil sa liwanag na tumatama dito, patay na ba ako?

Sinubukan kong tumayo pero ramdam ko ang sakit ng katawan ko.

Hindi pa

Pinilit ko pa ding tumayo. Nang nakatayo na ako ng maayos hinanap ko ang daan paalis sa bahay na to. Habang nag lalakad halos mangiyak na ako sa baho na naamoy ko. Amoy bulok. Amoy patay. Tsaka ko lang naalala kung ano ang nangyari sa klase namin. Ang klase ng 3C.

Habang nag lalakad napansin ko ang mga bangkay na nag kalat sa salas ng bahay, ang mga pugot na bangkay ng mga kaklase at kaibigan ko.

Pinag masdan ko ang paligid, nakakadiri tignan. Mga nag kalat na ulo, inuuod na katawan, dugo sa sahig pati sa dingdin, pati pala mga laman loob nag kalat. Halos masuka na ako sa nakikita ko pero pinilit ko pa ding umalis sa pamamahay na yon.

Paika-ika akong pumunta sa garahe buti nalang nandoon yung isang van. Binuksan ko ito at nakita ko ang susi sa drivers seat i started the car at nag drive na ako papunta sa hospital kahit masakit ang pagkasaksak sakin pinilit ko pa din.

Nang nakarating na ako pinark ko ang kotse sa isang malilim na lugar at nag lakad pa punta sa loob.

"Tulong! T-tulong!" sigaw ko sa kanila hanggang sa nahimatay na naman ako.

Nagising nalang ako sa ingay ng machine. Ito ata yung nag momonitor ng puso. Ang daming nakatusok sakin ngayon.

Pinagmasdan ko ang paligid, kulay puti ang dingding at may flat screen tv na naka lagay sa dingding.

Tumingin ako sa bandang kaliwas at nakita ko ang digital clock.

"8:15 pm , April 5" sabi ko.

tatlong linggo na silang patay . Kinuha ko ang remote sa may bedside at binuksan ang t.v. saktong sakto nga naman. Napangisi nalang ako sa pinapanood ko.

"Ilang linggo na rin....." ni mute ko nalang ang tv dahil hindi ko kayang pakinggan ang mga sasabihin nya, maaring haluan nya ito ng kasinungalingan. Nakita ko din ang mga magulang ko.

Sasabihin ko ba sa kanila na buhay ako? o papabayaan ko nalang?

Pabayaan nalang.

Nakita ko din ang mga pangalan namin sa TV. Di ko alam kung bakit nandoon ang pangalan ko, wala naman doon ang katawan ko. Bahala sila sa buhay nila basta ako, buhay.

Narinig ko ang pinto na nag bukas at nakita ko ang nurse. Ngumiti ito sakin at tinanguhan ko lang ito.

"Ito nga pala ang pagkain mo at gamot" sabi nya at ngumiti ito sakin, hinarap ko ito at ngumiti.

"Pakipatong nalang po dito" tinuro ko ang bedside table. Nagulat ako sa boses ko, bakit ang lamig? Hindi naman ako ganto dati diba? Bakit ang hirap ding ngumiti?

Nilapag ng nurse ang pagkain ko at chineck ang dextrose ko at umalis na. Nakapako na ang tingin ko sa TV dahil nilalabas na nila ang mga bangkay ng mga kaibigan ko. Patuloy pa din ang pag iyak ng mga magulang nila.

Class 3-C has a secret: The after party (Fan-fiction)Where stories live. Discover now