First Anniversarry

13 0 0
                                    

NOLY'S POV

Hi sa inyo. Kamusta?

Hahaha.

"Noli!" Tumingin ako sa tumawag sa akin. It's Dove. A close friend of mine.

"Ano nanaman ba kalapati?" Tanong ko sa kanya.

"Kalapati pala ah? Bakit NOte LYrica? Haha. Muka ka lang ewan dyan. You're reading a horror story tapos nakangiti ka? Ikaw ba yung killer dyan? Haha. Joke peace." Sabi niya.

"Che. May iniisip kasi ako. Shatap." Sabi ko.

"Anniversarry niyo 'no?" Di naman uso sakin ang kiligin pero parang kinikilig ako. Haaay. Kasi naman First Anniversarry namin na di ko akalain na aabot kami sa ganito. Wow.

Naalala ko nanaman yung text niya sakin kanina.

From: Key
Hi Lyrics :) Uhm. Ugh! Sorry. I'm not used in greeting girls with our anniv or monthsarry whatever. But I practiced.

Sorry for all the times I was teasing you. Maybe that was just my sign of being sweet to you. You know that I really love you. I hope that if anything happens, you will understand me. I love you. Saranghae. Te amo. Magkita tayo mamaya sa rooftop ah? Love you my Lyrics :* Happy Anniv My Love :)

Pero may part sakin ang biglang kinabahan na para bang may mangyayaring hindi maganda. Uhm. Siguro excited lang ako. Yah. Tama.

A little while later, uwian na namin.

"Sige na friend. Dove is going home na. Babye!" Nabeso kami.

"Okay bye. Ingat. Sila. Hahaha! Kidding. Ingat friend!" Nginitian niya ako tsaka sa tumakbo.

Maglalakad na sana ako nang may humarang sa akin.

"Nagpapakabaliw sa lalaking hindi naman siya mahal? Walang kwentang pagibig." Sabi ni Love na nakataas pa ang kilay sa akin. Sister siya ni Dove at ang layo ng ugali nila sa isa't isa. Haay. I really hate this girl.

"Speechless? Hirap magreact pag totoo no? Ha.Ha." Sabi pa niya.

"Excuse me. Wala akong panahon sa pakikipagusap sa mga taong katulad mo. Baka ikaw ang walang kwenta? Kaya umalis ka n-" Sasampalin niya sana ako pero nahablot ko ang braso niya.

"Tumigil ka na. Ikaw lang din ang mapapagod e."

"SHUT UP!" Sigaw niya kaya napatingin na lahat ng tao sa paligid namin.

"Malandi ka! Flirt ka na nga, mangaagaw ka pa! Ikaw ang tumigil dyan. Tigilan mo na ang pangaagaw kay Key! Hindi ka niya mahal. Feeler ka lang!"

"Sinabi ko nang wala akong panahon sa mga katulad mo diba? Pero isa lang ang sasabihin ko sayo na sana marealize mo na mahirap maghabol sa taong walang ginawa kundi lumayo sayo. Mahal ko si Key. Mahal niya ako. At alam ko iyon dahil nararamdaman ko. Wala ka nang magagawa pa. I'm sorry but there's no chance for you. Sorry for my words pero yun ang totoo e. Bye babae!" Sinabi ko na lang at siya? Tulala at halata mo ang galit sa mukha. Pupuntahan na sana niya ako pero...

"Love!" Dumating si Key at namumula ang mukha na para bang kaya niyang pumatay ng tao.

"K-key.." Nasabi na lang niya.

"ISANG BESES PA. BAKA MAGAWA KO NA ANG HINDI KO PA NAGAGAWA." Madiin na wika ni Key at hinawakan na niya ang kamay ko. Umalis na kami.

Sumakay kami sa kotse niya.

"Are you okay? Bat di mo ako tinawag? Alam mo namang ayaw kitang inaapi-"

"Stop. Inaapi? Yun na nga e. Ayaw kong inaapi ako,kaya lumalaban ako. Patuloy lang akong aapihin kapag umaasa lang ako sa tulong ng iba."

Humigpit ang hawak niya sa manibela.

"Sorry. That Girl! Hindi ba niya nararamdaman na hindi ko siya gusto? Naaawa lang ako sa kanya."

"Hayaan mo na. Sinabi ko na yan sa kanya." Ngumiti ako.

"Ugh. Okay."

At nakarating na kami sa bahay.

"Bye. I love you Lyrics. Later? Pag uwian ah? Kita tayo sa rooftop. By the way. Happy Anniversarry to my beautiful Lyrics. Mas maganda pala pag personal, makikita ko yang mga ngiti mo. Nakakawala ng galit. Love you." Sabi niya at hinalikan ako sa pisngi ko na ngayon ay namumula.

Nakakahiya.

"Uhm. Happy Anniversarry Key." Ngumiti siya.

Bumaba na ako at nagpaalam sa kanya.

"Bye. Ingat My Key."

"Ok bye. Eat well My Lyrics."

At nakangiti nanaman ako ngayong araw.

:)

BrokenheartsWhere stories live. Discover now