EPILOGUE

1.5K 21 1
                                    

HYRA'S P.O.V.

"Ma'am san po tayo?" Tanong ng driver

"Ah. Sa sementeryo tayo" sagot ko

Alam na niya kung sino  ang dadalawin ko.

Hanggang sa makarating kami sa sementeryo.

Nilapag ko ang bulaklak na dala ko sa ibabaw ng puntod niya.

Saka ako umupo.

"Kumusta ka na? It's been 3 years. 3 years na simula nung iwanan mo ko" sabi ko

Tatlong taon na ang nakalipas.

Ngayon lang ulit ako nakadalaw sa kanya.

"Naalala ko pa nung una tayong nagkita. Haha. Diba magkaaway tayo nun? Di nga tayo magkasundo nun eh", sabi ko

Patawa tawa na lang ako ngayon.

Pero sa totoo lang, nagpipigil lang ako ng iyak.

"Naalala mo nun? Lagi kitang tinatarayan. Lagi kang sunod-sunod. Pero kahit ganun ang ugali ko, tinanggap mo pa din ako. Tinanggap mo ko, bilang ako" sabi ko

Tinanggap niya ko eh.

Bilang ako. Bilang sa kung ano niya ko nakilala.

Lahat ng ayaw ko, pinipilit niya.

Lahat ng gusto ko, pinagbabawal niya.

"Ikaw yung palaging nasa tabi ko. Hindi mo ko iniwan. You stayed at my side even though I'm the most harsh person in the whole world" sabi ko

Pero ngayon iniwan na niya ko eh.

"Naalala mo ba nun? Nangako tayo sa isa't isa na walang iwanan. Na palagi tayong magsasama. Diba? Haha. Ang daya mo naman eh. Iniwan mo ko", sabi ko saka ako nagpunas ng luha.

Bakit mo kasi ako iniwan?

"Alam mo ba? Sobrang sinisisi ko ang sarili ko. Dahil sakin, namatay ka. Dahil sakin, wala ka na ngayon. Dahil din sakin, kaya mo ko iniwan. Dahil sakin. Ang sama sama ko noh? Siguro kung hindi dahil sakin, kundi dahil sa kapabayaan ko, siguro buhay ka pa ngayon. Siguro nandito ka pa ngayon sa tabi ko" sabi ko saka ko umiyak na ng todo.

Until, somebody hugged me from the back.

"Umiiyak ka na naman. Narinig ko lahat ng sinabi mo" sabi niya

"Kanina ka pa dyan?", tanong ko

"Yuhp. I've been watching you" sagot niya

"Di ko napansin", sabi ko

He just smiled.

"Hanggang ngayon ba sinisisi mo pa din ang sarili mo?" Tanong niya

Tumango ako.

"Diba ang sabi niya, di mo kasalanan ang pagkamatay niya? Na hindi yun sinadya" sagot niya.

"Pero hindi ko pa din maiwasang sisihin ang sarili ko" sabi ko

"Sa tingin mo ba, ngayon natutuwa siyang makita kang ganyan? Na sinisisi mo pa din ang sarili mo ngayon? Sa tingin mo, matatahimik ba siya kung alam niya na hanggang ngayon ang akala mo kasalanan mo ang pagkamatay niya?" Sabi niya

Natahimik ako.

Tama siya. :-(

"You need to accept the fact na wala na siya. Hindi mo na maibabalik ang isang bagay na tapos na. Tanggapin mo, na minsan dumating siya sa buhay mo para damayan at pasayahin ka pero dumating din yung araw na umalis siya at naiwan ka." Sabi niya

Give up or Hold on? (Completed)Where stories live. Discover now