It's been 6 years. I can't believe that I'm back. Nagpunta ako sa US at ngayon ay nandito na uli ako sa Pinas. Masaya ako kasi umaasa pa rin ako na makikita ko syang muli.
Nagpunta na ako sa lugar kung saan kami unang nagkita. Sa isang bench sa ilalim ng puno ng plaza. Halo-halo ang nararamdaman ko habang papalapit ako sa bench na yun. Ang daming nangyari rito. Umupo na ako, at nagsimulang bumalik lahat ng alaala sa aking isipan.
"Haist! Ang init talaga." Tanghaling tapat na kasi. Eto ako, naglalakad-lakad sa park. Nag-iisip. Saan ba dito pwedeng maupo na malilom?
Inilibot ko na ang mga mata ko. Medyo marami atang tao ngayon. Baka wala na akong maupuan. Nagtingin-tingin ako sa paligid. Nagbabakasakaling makakakita ng upuan.
Halos lahat may nakaupo na. Pero may napansin akong nag-iisang bench na wala pang nakaupo. SAKTO! Malilom pa.
Umupo na ako sa bench. Maya-maya, may umupo sa tabi ko.
Isang babae. Di ko mapigilang titigan sya. Ang ganda nya, sobra. Simple lang syang manamit, hindi maarte sa katawan, at walang makeup o lipstick na suot. Nakikinig lang sya sa Ipod nya, naka-earphones na kulay puti. May dala syang notebook na may kasamang mga sticky notes.
Siguro napansin nya akong nakatitig sa kanya. Nginitian nya lang ako. Iba sya sa mga babaeng nakita ko.
Maya-maya, nagsusulat na sya dun sa notebook nya. Di ko alam kung ano yung sinusulat nya. Alangan namang tingnan ko, para na akong usisero nun.
May isang oras rin ata kaming nakaupo dun. Hindi nag-uusap. Gusto ko syang kausapin pero nahihiya ako. Gusto kong tanungin ang pangalan nya pero di ko kaya.
Tumayo na sya. Pero bago sya umalis, tumingin uli sya sa akin at nginitian nya ako. I can't help but smile back. Nakakahumaling ang ganda nya.
That smile. I miss her smile. I want to see it again.
Kinabukasan, bumalik uli ako dun sa may bench. Ganung oras rin kahapon. Pumunta kaya sya uli dito?
Maya-maya, may umupo sa tabi ko. I smiled. Dumating uli sya. Dala nya uli ang notebook at sticky notes nya. Tapos naka-earphones na naman sya.
Gusto ko syang kausapin pero parang umuurong ang dila ko. Kaya, kinuha ko na yung binili kong sticky notes at sinulat kung anong gusto kong sabihin.
Hello po! ^__^
Yan yung sinulat ko. Tapos dinikit ko yun sa may tabi nya.
Kinuha nya yun at binasa. Maya-maya, may sticky note naman na idinikit nya sa tabihan ko.
Hi! :)
Nagsulat uli ako sa sticky notes ko.
Ano yang sinusulat mo? Sorry. Curious lang.
Nagsulat na uli sya.
Naahh. Ok lang. I'm writing a story.
Ako - Writer ka? Astig!
Sya - Hahaha. Oo pero hindi professional. It's my hobby.
Ako - Ano pang ibang hobby mo?
Sya - Reading books.
Kakaiba talaga sya. Yung ibang babae, sa ganitong oras nasa mall o kaya ay naggagala. Sya naman, nandito lang sa plaza at nagsusulat.
Yun ang first time kong naging interesado sa isang babae.
Simula nun, lagi na kaming nagkikita sa bench na yun sa ganun rin oras. Para bang hindi ako kontento kapag hindi ko sya nakikita sa isang araw. Nag-uusap lang kami gamit ang mga sticky notes. Kontento na ako sa ganun.