Chapter 27

5.5K 51 0
                                    

CHAPTER 27

Megan’s POV:

“ kamusta na kayo ni Ryan?” tanung niya.

“ sino ka ba talaga? Stalker ba kita?” tanung ko.

“ you can call me stalker if you want my dear.” Narinig kong sabi niya.

Boses babae siya.

Pero hindi ko naman mabosesan kung sino.

“ ano ba ang sasabihin mo?” naiinis na tanung ko.

“ chill, gusto ko lang naman itanung kung kamusta na kayo ni Ryan?” tanung niya.

“ ok kami.” Sagot ko.

“ liar.” Mahinang sabi niya pero maririnig mo naman. Ano ba naman yan ang gulo.

“ alam mo ba kung nasan ang asawa mo ngayon?” tanung niya.

Halos tumindig ang balahibo ko.

Hindi kaya babae ito ni Ryan.

“ babae ka ba nang asawa ko?” tanung ko.

“ hindi ako babae nang magaling mong asawa. Well friend mo ako pati na nang babae niya.” Sabi niya.

Hindi ko siya maintindihan.

Friend ko siya pati nang babae ni Ryan?

“ pasensya na pero wala akong panahon sa mga ganitong bagay.” Sabi ko at iend ko na yung call.

Nakakainis.

Babae nang asawa ko.

Possible kayang may babae ang asawa ko.

Maya maya tumatawag nanaman siya.

Naiinis na ako kaya sinagot ko na.

“ ang bastos mo naman Mrs. Salvatierra, babaan daw ba ako?” sabi niya.

“ stalker ka talaga noh. Kung napatawag ka para siraan ang asawa ko pwes nagkakamali ka dahil malaki ang tiwala ko sa kanya.” Sabi ko.

“ oh really? May tiwala ka pa rin sa asawa mo kahit ginagago ka na niya.” Sabi niya.

“ anong ginagago? Hindi ako ginagago nang asawa ko.” – ako.

“ talaga lang huh? Bakit kaya hindi mo tanungin ang asawa mo?” tanung niya.

“ bakit hindi ba siya umuuwi nang bahay ninyo?” pahabol niya.

“ ano bang alam mo sa amin huh?” galit na tanung ko.

“ madami, madami akong alam sa iyo? Lahat nang baho mo alam ko. diba kapatid mo si Shinee, at boyfriend niya si Ryan na asawa mo ngayon.” Sabi niya.

Nagulat ako .

“ sino ka ba talaga?” tanung ko sa kanya.

“ gaya nang sinabi ko kanina hindi ako magpapakilala.” Sabi niya.

“ I make it quick Megan, may itetext ako sayo na address. Kung gusto mong malaman na ginagago ka nang asawa mo pwes puntahan mo. Mas maganda siguro kung ikaw mismo ang makatuklas diba.” sabi niya.

 Sasagot pa sana ako kaso binaba na niya yung call.

“ sino ba talaga yun?” bulong na tanong ko sa sarili ko.

Maya maya tumunog ulit ang cp ko.

May txt na siya.

Gaya nang txt niya may address dun na nakaindicate.

Baka naman niloloko lang ako nito.

Imposible naman na may babae ang asawa ko.

Oo uso pa naman ang mga ganitong krimen.

A SECRET AFFAIR (Major Editing) Where stories live. Discover now