Until Forever (Fanfic) Original story by: Jonaxx

8.4K 130 7
                                    

*Random scene. Read first Until Trilogy by Jonaxx kung hindi nyo pa nababasa*

Nasa kama ako ngayon ni Elijah at nakahilig sa dibdib nya. Ang isa nyang kamay ay hinahaplos ng marahan ang bewang ko. It feels good to be in his arms. Parang mas gusto ko na atang tumira dito sa bago nyang condo kasama sya.

"What are you thinking, baby?" Napaangat ako ng tingin sa kanya at nakita kong nakangiti sya sakin.

"Iniisip ko lang yung wedding natin soon. Excited na ko! Ikaw ba?" The truth is kinakabahan ako at the same time masaya. Matagal ko itong pinangarap. Ang maikasal sa taong pinakamamahal ko at ngayon malapit na 'tong mangyari.

"Sa wedding ka ba excited o sa first night natin?" Nanlaki ang mata ko at napabangon sa sinabi nya. Pakiramdam ko sobrang pula ng mukha ko. Lintek ka Elijah! Bigla syang tumawa ng malakas at hinila ako pabalik sa dibdib nya.

"I was just joking! But kidding aside, how many babies do you want Klare? Hinalikan nya ang tainga ko. Nagulat ako sa sinabi nya. Napaisip ako don. Noon pa man, gusto ko ng kambal kapag nagkapamilya na ako. One boy and one girl. Naiimagine ko na madadatnan namin sila ni Elijah sa crib na naglalaro pagkatapos ng trabaho at sabay namin silang patutulugin ni Elijah.

"Twins. One boy and one girl. What do you think?" Masaya kong sinabi sa kanya. Ngumuso sya at mas hinigpitan ang yakap sakin.

"Gusto ko ng isang basketball team, Klare." Pinitik ko ang ilong nya at natawa sa ginawa ko. "Sige! Ikaw magbuntis at manganak!"

"Aalagaan naman kita eh." Paglalambing nya sakin.

Natawa ako at napa-angat ng tingin sa expressive nyang mga mata. Napatitig ako bigla. Kitang kita doon kung gaano nya ko kamahal. I love you so much, baby. Bumaba ito at nakita kong napatingin sya sa labi ko.

Walang sabi-sabi ay inilapit ko ito sa kanya. I kissed him lightly on the lips. Pumaibabaw sya sa akin at hinalikan ako ng mas malalim. Nang naghiwalay ang mga labi namin ay saka sya uli nakahanap ng pagkakataong magsalita.

"You know baby, pwede naman natin i-advance ang honeymoon ngayon. Let's make little Klare and Elijah Jr.? What do you think?" Saad nya habang hinahalikan ang leeg ko. Damn Elijah!

Until Forever (Fanfic)Where stories live. Discover now