5 - Long-lost Sidekick

182 11 1
                                    

Normal POV


"Kaya ba ganon siya kanina? Bakit hindi niya ako nakikilala? Please Soo. Sagutin mo ako. Nagmamakaawa ako sayo. Ano ba talagang nangyari?" lumapit siya kay Sooyoung at tinitigan ang kaniyang mga mata. Kitang-kita sa kaniyang mga mata ang kalungkutan.

"Sampung taon!! Ganon katagal!! Umalis ka ng bigla-bigla!!Ng walang pasabi!! Ba---bakit??" Hindi na napigilan ni Sooyoung ang bugso ng kanyang damdamin. Walang ano-ano'y niyakap niya ang babae at tuluyan ng umiyak. At sila'y nagyakapang dalawa.






"Y-Yoona!! Pa-patawad ka-kasi pinairal ko ang galit ko. Alam mo bang sobrang saya ko ng makita kita kanina? Hindi ko maipaliwanag. Kaya lang naman ako naging ganon dahil na rin kay Yuri. I still wait for you." Paliwanag ni Sooyoung at si Yoona ay may ipinagtataka sa mga sinabi ni Soo.



Yoona's POV


Thankful talaga ako dahil nagawa akong patawarin ni Soo sa kabila ng pag-iwan ko sa kanila sa ere. Talagang tunay ko nga silang kaibigan. Kasi siguro kung sa iba yon, malamang tuluyan na akong pagtabuyan at kasuklaman pa. At ang sakit dahil ganoon ang naging pagtrato sa akin ni Yuri.

Para kay Yuri, handa akong maghintay sa katotohanan. Naiintindihan ko naman siya. Siguro nga, napakatindi ng napagdaan niya at ang masaklap, wala pa ako sa tabi niya ng mangyari yon.

"Ano ba yan Soo?? Ang drama natin. Alam mo namang hindi bagay sa atin ang umiiyak. Ang pangit mo na ohhh." Nagbiro ako para naman makita ko ulit ang napakagandang ngiti ni Soo na hinintay ko sa loob ng napakahabang panahon.

"Adik ka talaga!! Choding ka pa rin!! Ikaw nga tong nagsimula ehhh. Hay~~ nakakamiss tong ganitong pag-uusap natin. Para mas maintindihan kita, ikwento mo na lang sa akin nangyari sayo ng araw na iyon." Bigla-biglang naging seryoso na naman ang tono ni Soo.

"Naaalala mo pa ba noong huling araw na nakita niyo ako. Noong, araw na, iniwan ko kayo. Ganito kasi yung nangyari ehhh." Naging emosyonal na naman ako. Napaka iyakin ko talaga. :'(


Flashback~~~


Ako ang pinakabata sa aming tatlo. Kahit na halos 10 years ago na, hindi ko pa rin makalimutan ang scenario na iyon. Mga teenager na kami noon pero parang bata pa rin kami kung maglaro. Syempre ano pa ba ang nilalaro namin, edi ang mga paborito naming superheroes.

Isang hapon nangyari ang lahat. Masaya kaming naglalarong tatlo na parang walang mga pinoproblema sa buhay. Nakasuot kami ng mga costumes. Daig pa namin ang mga five years old sa pagka-isip bata. Si Yuri bilang si Batman, ako bilang ang sidekick niya na si Robin, at si Sooyoung bilang si Batman din.

Kaso nauna ng umuwi si Soo. May test pa daw kasi siya at baka daw maubusan siya ng miryenda sa bahay. Naiwan kami ni Yuri na naglalaro sa dalampasigan. Kami ay nagtatago-taguan. Kunwari may kalaban kami at dapat ay hindi kami mapansin. Nagtago kami ng magkahiwalay. Lumipas ang maraming minuto ngunit hindi na ako nararamdaman ni Yuri.

"Robin?? Need back-up!! Robin?? Nasan ka na ba?" takang-taka na si Yuri kaya tumayo na siya at wala na siyang nadatnan kundi ang mga bakas ng mga paa namin sa buhangin.

Who will I Choose? (SNSD FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon