Last Chapter - His Karma

507 8 8
                                    

Katatapos lang ng kasal namin at talagang napagod kami ni Sydea sa pagbati ng mga bisita. Sobrang dami kasing mga bisita at puro business icon ang mga inimbitahan nila Mommy at Daddy pati narin sina Mama at Papa (Mga magulang ni Sydea). Literal na pagod kaya naman ay imbis na honeymoon kami kinagabihan ay diretso tulog ang ginawa namin.

Natutuwa narin ako para sa sarili ko dahil kahit na kaming dalawa lang sa kwartong ito ay hindi ko siya magawang pagnasahan. Bagkus ay pinagmasdan ko lang ang kanyang magandang mukha. Hinawakan ko ang kanyang kamay saka ipinikit narin ang aking mga mata.

Sa sikat ng araw na tumatama sa akin kaya naman ako ay nagising. Pagtingin ko sa tabi ko ay wala na si Sydea kaya naman ay agad akong napaupo at iginala ang aking mga mata para hanapin siya.

"Gising ka na pala?" Tanong niya ng kakalabas niya palang ng banyo at may suot na robe saka pinupunas-punasan ang basang buhok.

"Ang aga mo namang nagising."

"Ang kati kasi ng make-up. Basta nalang ako nakatulog sa pagod kaya hindi ko na nabura." Sagot niya ng blino-blower na ang buhok niya.

Dumiretso kaagad ako sa banyo para narin maligo. Sa totoo lang ay nakakaramdam na ako ng kati dahil sa dami ng tao kanina. Ang lagkit-lagkit narin ng katawan ko sa pawis kahit na todo na ang AC sa banguet hall.

Pagkatapos kong maligo ay nagtapis na ako ng tuwalya. Papunta na sana ako sa closet ng humarang sa akin si Sydea.

Ngumiti siya sa akin na parang nahihiya. "Hayaan mo sanang bumawi ako ngayon." Sabi niya

Hindi na niya ako hinintay magsalita pa dahil inilapat na niya ang kanyang labi sa akin. Ipinulupot niya sa aking batok ang kanyang mga kamay.

"Ikaw na ang bahala sa akin Aze." Aniya kaya naman ay hindi na ako nagdalawang isip pang buhatin siya at ihiga sa kama.

"Ako ang bahala sayo habang buhay Syd." Sagot ko na siya namang ngiti niya.

-

Nang matapos kami ay napahiga nalang ako sa sobrang pagod. Alam kong Virgin pa si Sydea kaya naman ay hindi magiging madali ito. Natutuwa nga lang ako dahil ipinagkaloob niya ito sa akin kahit na ilang babae na yung dumaan sa akin ay isinantabi niya parin ito para sa aming kinabukasan.

Sa buong buhay ko, ngayon ko lang naranasan ang salitang 'Make Love'. Ang tanging alam ko lang noon ay 'Sex' at 'Fuck'. Iba parin talaga kapag mahal na mahal mo yung taong kasama mo.

Tumagilid ako. Nakapikit ang kanyang mga mata. Kinuha ko ang kumot at ibinalot ito sa kanya saka ko siya hinalikan sa noo at niyakap. Mahirap na baka magkasakit siya.

Idinilat niya ang kanyang mga mata at ngumiti sa akin. "Tara na sa baba para kumain." Yaya ko kaya naman ay tumango rin siya.

Bumaba kami sa ground floor para kumain sa paborito niyang seafood restaurant. Lalo na ang lobster.

Ipinaghila kami ng mga waiter ng upuan at sabay binigyan ng menu. Umorder kami ng pagkain na kaya lang naming ubusin. Habang naghihintay ng pagkain ay hindi namin maiwasang mag-usap at magplano para sa aming kinabukasan.

"Saan mo gustong mag-honeymoon?" Tanong ko na medyo nagulat pa siya at parang nahihiya pa. Napapangiti nalang ako kapag nakikita siyang nahihiya.

"Gusto kong mag-travel around the world. Kasama ka." Sagot niya.

-

SYDEA POV

"Gusto ko 'yan." Sang -ayon niya

His KARMA ✔Where stories live. Discover now